Surah Hud Ayahs #44 Translated in Filipino
حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَمْرُنَا وَفَارَ التَّنُّورُ قُلْنَا احْمِلْ فِيهَا مِنْ كُلٍّ زَوْجَيْنِ اثْنَيْنِ وَأَهْلَكَ إِلَّا مَنْ سَبَقَ عَلَيْهِ الْقَوْلُ وَمَنْ آمَنَ ۚ وَمَا آمَنَ مَعَهُ إِلَّا قَلِيلٌ
(Kaya’t nagpatuloy ang gayong pangyayari), hanggang sa sumapit ang Aming Pag-uutos at ang bangan ay umagos (ang tubig na tila mga dalisdis sa kalupaan). Aming ipinag- utos: “Magsisakay kayo, sa bawat uri ay dalawa (lalaki at babae), at ang inyong mag-anak, maliban sa kanya na ang Salita ay walang naging saysay (pamilya ni Noe na sumuway), at ang mga sumasampalataya. At walang naniwala sa kanya maliban sa iilan.”
وَقَالَ ارْكَبُوا فِيهَا بِسْمِ اللَّهِ مَجْرَاهَا وَمُرْسَاهَا ۚ إِنَّ رَبِّي لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
At siya (Noe) ay nagsabi: “Magsisakay kayo, sa Ngalan ni Allah, ito ay gagalaw o mananatili sa kanyang punduhan. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”
وَهِيَ تَجْرِي بِهِمْ فِي مَوْجٍ كَالْجِبَالِ وَنَادَىٰ نُوحٌ ابْنَهُ وَكَانَ فِي مَعْزِلٍ يَا بُنَيَّ ارْكَبْ مَعَنَا وَلَا تَكُنْ مَعَ الْكَافِرِينَ
Kaya’t (ang barko) ay naglayag (na kasama) nila sa gitna ng gabundok na mga alon, at si Noe ay tumawag sa kanyang anak na lalaki na humiwalay sa kanila. “o aking anak! Sumakay ka sa amin at huwag kang mapabilang sa mga hindi sumasampalataya.”
قَالَ سَآوِي إِلَىٰ جَبَلٍ يَعْصِمُنِي مِنَ الْمَاءِ ۚ قَالَ لَا عَاصِمَ الْيَوْمَ مِنْ أَمْرِ اللَّهِ إِلَّا مَنْ رَحِمَ ۚ وَحَالَ بَيْنَهُمَا الْمَوْجُ فَكَانَ مِنَ الْمُغْرَقِينَ
Ang kanyang anak na lalaki ay tumugon: “Aakyat ako sa bundok, ito ang magliligtas sa akin sa tubig.” Si Noe ay nagsabi: “Sa araw na ito ay walang tagapagligtas sa Pag-uutos ni Allah maliban sa kanya na ginawaran Niya ng Kanyang habag.” At ang malaking alon ay dumaan sa pagitan nila, kaya’t ang kanyang anak ay napasama sa mga nalunod
وَقِيلَ يَا أَرْضُ ابْلَعِي مَاءَكِ وَيَا سَمَاءُ أَقْلِعِي وَغِيضَ الْمَاءُ وَقُضِيَ الْأَمْرُ وَاسْتَوَتْ عَلَى الْجُودِيِّ ۖ وَقِيلَ بُعْدًا لِلْقَوْمِ الظَّالِمِينَ
At dito ay ipinag-utos: “o kalupaan! Lagumin mo ang iyong tubig, at O kalangitan! Pahintuin mo ang iyong ulan.” At ang tubig ay bumaba (kumati) at ang kautusan ni Allah ay natupad (alalaong baga, ang pagkawasak ng mga tao ni Noe). At (ang barko) ay pumundo sa Bundok ng Judi, at dito ay ipinagsulit: “Kayo ay malayo na sa mga tao na Zalimun (mga buktot sa kasamaan at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.)!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
