Surah Hud Ayahs #42 Translated in Filipino
وَيَصْنَعُ الْفُلْكَ وَكُلَّمَا مَرَّ عَلَيْهِ مَلَأٌ مِنْ قَوْمِهِ سَخِرُوا مِنْهُ ۚ قَالَ إِنْ تَسْخَرُوا مِنَّا فَإِنَّا نَسْخَرُ مِنْكُمْ كَمَا تَسْخَرُونَ
At habang siya ay nagtatayo ng Barko, kailanma’t ang mga pinuno ng kanyang pamayanan ay nagdaraan sa harapan niya, sila ay kumukutya sa kanya. Siya (Noe) ay nagsabi: “Kung kayo ay tumutuya sa amin, gayundin naman, kayo ay aming tinutuya na kagaya ng inyong pagkutya sa amin
فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ مَنْ يَأْتِيهِ عَذَابٌ يُخْزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيْهِ عَذَابٌ مُقِيمٌ
At mapag-aalaman ninyo kung sino ang makakatanggap ng parusa na tatakip sa kanya sa kahihiyan, at kung sino ang magkakamit ng walang hanggang sakit.”
حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَمْرُنَا وَفَارَ التَّنُّورُ قُلْنَا احْمِلْ فِيهَا مِنْ كُلٍّ زَوْجَيْنِ اثْنَيْنِ وَأَهْلَكَ إِلَّا مَنْ سَبَقَ عَلَيْهِ الْقَوْلُ وَمَنْ آمَنَ ۚ وَمَا آمَنَ مَعَهُ إِلَّا قَلِيلٌ
(Kaya’t nagpatuloy ang gayong pangyayari), hanggang sa sumapit ang Aming Pag-uutos at ang bangan ay umagos (ang tubig na tila mga dalisdis sa kalupaan). Aming ipinag- utos: “Magsisakay kayo, sa bawat uri ay dalawa (lalaki at babae), at ang inyong mag-anak, maliban sa kanya na ang Salita ay walang naging saysay (pamilya ni Noe na sumuway), at ang mga sumasampalataya. At walang naniwala sa kanya maliban sa iilan.”
وَقَالَ ارْكَبُوا فِيهَا بِسْمِ اللَّهِ مَجْرَاهَا وَمُرْسَاهَا ۚ إِنَّ رَبِّي لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
At siya (Noe) ay nagsabi: “Magsisakay kayo, sa Ngalan ni Allah, ito ay gagalaw o mananatili sa kanyang punduhan. Katotohanan, ang aking Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”
وَهِيَ تَجْرِي بِهِمْ فِي مَوْجٍ كَالْجِبَالِ وَنَادَىٰ نُوحٌ ابْنَهُ وَكَانَ فِي مَعْزِلٍ يَا بُنَيَّ ارْكَبْ مَعَنَا وَلَا تَكُنْ مَعَ الْكَافِرِينَ
Kaya’t (ang barko) ay naglayag (na kasama) nila sa gitna ng gabundok na mga alon, at si Noe ay tumawag sa kanyang anak na lalaki na humiwalay sa kanila. “o aking anak! Sumakay ka sa amin at huwag kang mapabilang sa mga hindi sumasampalataya.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
