Surah Hud Ayahs #16 Translated in Filipino
فَلَعَلَّكَ تَارِكٌ بَعْضَ مَا يُوحَىٰ إِلَيْكَ وَضَائِقٌ بِهِ صَدْرُكَ أَنْ يَقُولُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ كَنْزٌ أَوْ جَاءَ مَعَهُ مَلَكٌ ۚ إِنَّمَا أَنْتَ نَذِيرٌ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ وَكِيلٌ
At kung sakali (o Muhammad) na iyong isuko ang bahagi ng anumang ipinahayag sa iyo, at ang iyong dibdib ay naninikip dito sapagkat sila ay nagsasabi, “Bakit kaya hindi ipinanaog sa kanya ang kayamanan, o di kaya ang anghel ay dumatal sa kanya?” Datapuwa’t ikaw ay isa lamang tagapagbabala. At si Allah ang wakil (ang Tagapamahala ng mga pangyayari, Tagapagkupkop, atbp.) sa lahat ng mga bagay
أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۖ قُلْ فَأْتُوا بِعَشْرِ سُوَرٍ مِثْلِهِ مُفْتَرَيَاتٍ وَادْعُوا مَنِ اسْتَطَعْتُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
o di kaya, sila ay nagsasabi, “ Siya (Propeta Muhammad) ay nanghuwad (nagpalsipika) lamang (ng Qur’an)”. Ipagbadya: “Magdala kayo kung gayon ng sampung huwad na Surah (mga kabanata) na katulad nito, at tawagin ninyo kung sinuman ang ibig ninyo, maliban pa kay Allah (upang tumulong sa inyo), kung kayo ay nangungusap ng katotohanan!”
فَإِلَّمْ يَسْتَجِيبُوا لَكُمْ فَاعْلَمُوا أَنَّمَا أُنْزِلَ بِعِلْمِ اللَّهِ وَأَنْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ مُسْلِمُونَ
At kung ikaw ay hindi nila tugunin, iyong maalaman na ang Kapahayagan (ang Qur’an) ay ipinanaog ni Allah ng may Karunungan at ang La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya)! Hindi baga kayo magiging mga Muslim (ang mga tumatalima sa Islam)
مَنْ كَانَ يُرِيدُ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا وَزِينَتَهَا نُوَفِّ إِلَيْهِمْ أَعْمَالَهُمْ فِيهَا وَهُمْ فِيهَا لَا يُبْخَسُونَ
Sinumang maghangad ng buhay sa mundong ito at sa kanyang kinang; sa kanila ay Aming babayaran nang ganap (ang kinita) ng kanilang mga gawa rito, at dito ay walang mababawas
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَيْسَ لَهُمْ فِي الْآخِرَةِ إِلَّا النَّارُ ۖ وَحَبِطَ مَا صَنَعُوا فِيهَا وَبَاطِلٌ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sila yaong walang makakamtan sa Kabilang Buhay maliban sa Apoy; at dito ay walang kabuluhan ang kanilang mga gawa. At walang halaga ang kanilang ginagawa noon
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
