Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #107 Translated in Filipino

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِمَنْ خَافَ عَذَابَ الْآخِرَةِ ۚ ذَٰلِكَ يَوْمٌ مَجْمُوعٌ لَهُ النَّاسُ وَذَٰلِكَ يَوْمٌ مَشْهُودٌ
Katotohanan, sa mga ito ay (mayroong) tiyak na aral sa mga may pagkatakot sa kaparusahan ng Kabilang Buhay. Ito ang Araw na ang sangkatauhan ay titipunin nang sama-sama, at ito ang Araw ng Pagpapatotoo (na ang lahat ng mga naninirahan sa kalangitan at kalupaan ay naroroon)
وَمَا نُؤَخِّرُهُ إِلَّا لِأَجَلٍ مَعْدُودٍ
At inaantala lamang Namin ito hanggang sa sandali (na noon pa) ay itinakda na
يَوْمَ يَأْتِ لَا تَكَلَّمُ نَفْسٌ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۚ فَمِنْهُمْ شَقِيٌّ وَسَعِيدٌ
Sa Araw na ito ay dumating, walang tao ang makakapangusap malibang pahintulutan (ni Allah). Ang iba sa kanila ay mga sawingpalad at ang iba ay mga pinagpala
فَأَمَّا الَّذِينَ شَقُوا فَفِي النَّارِ لَهُمْ فِيهَا زَفِيرٌ وَشَهِيقٌ
At sa mga sawingpalad, sila ay nasa Apoy, na bumubuntong hininga sa mataas at mababang tunog
خَالِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ إِلَّا مَا شَاءَ رَبُّكَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ فَعَّالٌ لِمَا يُرِيدُ
Sila ay mananahan dito sa lahat nang panahon na ang mga kalangitan at kalupaan ay nananatili, malibang naisin ng inyong Panginoon. Katotohanan, ang inyong Panginoon ang tagagawa ng Kanyang maibigan

Choose other languages: