Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #80 Translated in Filipino

ادْخُلُوا أَبْوَابَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۖ فَبِئْسَ مَثْوَى الْمُتَكَبِّرِينَ
“Magsipasok kayo sa mga tarangkahan ng Impiyerno upang dito manahan; at kasamaan ang tirahan ng mga mapagpalalo!”
فَاصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۚ فَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ
Kaya’t maging matiyaga ka (O Muhammad). Tunay ngang ang pangako ni Allah ay Katotohanan; at kahit na Aking ipamalas sa iyo (sa buhay na ito) ang ilang bahagi ng Aming ipinangako sa kanila, o pahintulutan Namin na ikaw ay mamatay (sa Aming Habag), magkagayunman, sa Amin pa rin ang kanilang pagbabalik
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلًا مِنْ قَبْلِكَ مِنْهُمْ مَنْ قَصَصْنَا عَلَيْكَ وَمِنْهُمْ مَنْ لَمْ نَقْصُصْ عَلَيْكَ ۗ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَنْ يَأْتِيَ بِآيَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ فَإِذَا جَاءَ أَمْرُ اللَّهِ قُضِيَ بِالْحَقِّ وَخَسِرَ هُنَالِكَ الْمُبْطِلُونَ
At katotohanang Kami ay nagpadala ng mga Tagapagbalita nang una pa sa iyo (o Muhammad); ang iba ay Aming inilahad sa iyo ang kanilang kasaysayan at ang iba ay hindi Namin inilahad sa iyo, at hindi (Namin) binigyan ng kapamahalaan ang sinumang Tagapagbalita na magdala siya ng Tanda maliban na pahintulutan ni Allah. Datapuwa’t kung ang pag-uutos ni Allah ay naipalabas na, at ang bagay- bagay ay napagpasiyahan na sa katotohanan at katarungan, ang mga tagasunod ng kasinungalingan ay maglalaho (sa kapariwaraan)
اللَّهُ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَنْعَامَ لِتَرْكَبُوا مِنْهَا وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ
Si Allah ang lumikha ng hayop (bakahan at kauri nito) para sa inyo upang kayo ay makasakay sa ilan sa kanila, at ang iba ay bilang inyong pagkain
وَلَكُمْ فِيهَا مَنَافِعُ وَلِتَبْلُغُوا عَلَيْهَا حَاجَةً فِي صُدُورِكُمْ وَعَلَيْهَا وَعَلَى الْفُلْكِ تُحْمَلُونَ
At kayo ay marami pang ibang kapakinabangan sa kanila, gayundin sa pamamagitan nila ay inyong maaabot ang inyong naisin na nasa inyong dibdib (magdala ng mga paninda, dalahin, atbp.) at sa pamamagitan nila, at sa mga barko kayo ay dinadala (isinasakay)

Choose other languages: