Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #77 Translated in Filipino

ثُمَّ قِيلَ لَهُمْ أَيْنَ مَا كُنْتُمْ تُشْرِكُونَ
At sa kanila ay ipagsasaysay: “Nasaan ang (lahat) ng mga diyus-diyosan na inyong binibigyan ng inyong pagsamba (at iniaakibat bilang mga katambal)
مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ قَالُوا ضَلُّوا عَنَّا بَلْ لَمْ نَكُنْ نَدْعُو مِنْ قَبْلُ شَيْئًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ الْكَافِرِينَ
Maliban pa kay Allah?” Sila ay magsisisagot: “Sila ay nawalang bula sa amin. Hindi, kami ay hindi nanawagan (sa pagsamba) sa anupaman maging noong una.” Kaya’t sa ganito inaakay ni Allah ang mga hindi sumasampalataya sa pagkaligaw
ذَٰلِكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَفْرَحُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَبِمَا كُنْتُمْ تَمْرَحُونَ
“Ito’y sa dahilan na kayo ay nangagagalak dito sa kalupaan sa mga bagay na iba sa katotohanan (sa pamamagitan nang pagsamba sa iba sa halip na si Allah at sa paggawa ng mga katampalasanan) at kayo ay lubhang nagsisipagsaya (sa kamalian)
ادْخُلُوا أَبْوَابَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۖ فَبِئْسَ مَثْوَى الْمُتَكَبِّرِينَ
“Magsipasok kayo sa mga tarangkahan ng Impiyerno upang dito manahan; at kasamaan ang tirahan ng mga mapagpalalo!”
فَاصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۚ فَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ
Kaya’t maging matiyaga ka (O Muhammad). Tunay ngang ang pangako ni Allah ay Katotohanan; at kahit na Aking ipamalas sa iyo (sa buhay na ito) ang ilang bahagi ng Aming ipinangako sa kanila, o pahintulutan Namin na ikaw ay mamatay (sa Aming Habag), magkagayunman, sa Amin pa rin ang kanilang pagbabalik

Choose other languages: