Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #61 Translated in Filipino

لَخَلْقُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ أَكْبَرُ مِنْ خَلْقِ النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
Katotohanan, ang pagkalikha sa mga kalangitan at kalupaan ay higit na mataas (na bagay) kaysa sa pagkalikha ng tao; datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay walang kaalaman
وَمَا يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَلَا الْمُسِيءُ ۚ قَلِيلًا مَا تَتَذَكَّرُونَ
Hindi magkatulad ang mga bulag at mga nakakakita (nang maigi); gayundin naman, hindi magkatulad ang mga gumagawa ng kabutihan at mga gumagawa ng kabuktutan. Kakarampot lamang ang natutuhan ninyo mula sa pagpapaala-ala
إِنَّ السَّاعَةَ لَآتِيَةٌ لَا رَيْبَ فِيهَا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ
Ang Sandali ay walang pagsalang daratal; dito ay walang alinlangan. Datapuwa’t ang karamihan ng mga tao ay hindi sumasampalataya
وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُمْ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِي سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ
At ang inyong Panginoon ay nagsabi: “Manawagan kayo sa Akin; diringgin Ko ang inyong panalangin, datapuwa’t sila na lubhang palalo na maglingkod sa Akin ay katotohanang papasok sa Impiyerno na hindi magbabawa (ang Apoy).”
اللَّهُ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِتَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ اللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ
Si Allah ang lumikha ng Gabi sa inyo upang kayo ay makapagpahingalay, at ng Araw, upang mabigyan kayo ng liwanag. Katotohanang si Allah ay Tigib ng Biyaya sa mga tao; datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay walang pasasalamat

Choose other languages: