Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #27 Translated in Filipino

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا وَسُلْطَانٍ مُبِينٍ
Noon pang una, katotohanang Aming isinugo si Moises na dala ang Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) at nang nagliliwanag na kapamahalaan
إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَهَامَانَ وَقَارُونَ فَقَالُوا سَاحِرٌ كَذَّابٌ
Kay Paraon, Haman at Korah; datapuwa’t kanilang tinawag (siya na): “Isang manggagaway na nagsasabi ng kasinungalingan!”
فَلَمَّا جَاءَهُمْ بِالْحَقِّ مِنْ عِنْدِنَا قَالُوا اقْتُلُوا أَبْنَاءَ الَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ وَاسْتَحْيُوا نِسَاءَهُمْ ۚ وَمَا كَيْدُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ
At nang ibigay niya sa kanila ang Katotohanan mula sa Amin, sila ay nangusap: “Patayin ninyo ang mga anak na lalaki ng mga mananalig sa kanya, at hayaan ninyo ang kanilang kababaihan na mabuhay.” Datapuwa’t ang tangka ng mga hindi sumasampalataya (ay nagwakas) sa wala maliban sa kamalian (at maling haka-haka)
وَقَالَ فِرْعَوْنُ ذَرُونِي أَقْتُلْ مُوسَىٰ وَلْيَدْعُ رَبَّهُ ۖ إِنِّي أَخَافُ أَنْ يُبَدِّلَ دِينَكُمْ أَوْ أَنْ يُظْهِرَ فِي الْأَرْضِ الْفَسَادَ
Sinabi ni Paraon: “Ako ay iwan ninyo upang (aking) patayin si Moises; at hayaan siyang tumawag sa kanyang Panginoon! Ang aking pinangangambahan ay baka baguhin niya ang inyong paniniwala, o baka siya ay maging sanhi ng mga kalokohan dito sa kalupaan!”
وَقَالَ مُوسَىٰ إِنِّي عُذْتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمْ مِنْ كُلِّ مُتَكَبِّرٍ لَا يُؤْمِنُ بِيَوْمِ الْحِسَابِ
Si Moises ay nagsabi: “Katotohanang ako ay nanawagan sa aking Panginoon at inyong Panginoon (bilang pananggalang) sa bawat palalo na hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagsusulit!”

Choose other languages: