Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #25 Translated in Filipino

أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ كَانُوا مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا هُمْ أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَآثَارًا فِي الْأَرْضِ فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ وَمَا كَانَ لَهُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَاقٍ
Hindi baga sila nagsisipaglakbay sa kalupaan at napagmamalas kung ano ang kinasapitan ng mga nangauna sa kanila? Sila ay higit na mainam sa kanila sa lakas at sa mga bakas (na kanilang naiwan) sa kalupaan. Datapuwa’t si Allah ay sumakmal sa kanila sa kaparusahan dahilan sa kanilang kasalanan. At walang sinuman ang makakapangalaga sa kanila laban kay Allah
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانَتْ تَأْتِيهِمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَكَفَرُوا فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ قَوِيٌّ شَدِيدُ الْعِقَابِ
Sapagkat sa kanila ay dumatal ang mga Tagapagbalita na may maliwanag (na mga Tanda), datapuwa’t itinakwil nila ito, kaya’t sila ay sinakmal ni Allah ng kaparusahan. Katotohanang si Allah ay Ganap na Malakas, ang Mahigpit sa Kaparusahan
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا وَسُلْطَانٍ مُبِينٍ
Noon pang una, katotohanang Aming isinugo si Moises na dala ang Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) at nang nagliliwanag na kapamahalaan
إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَهَامَانَ وَقَارُونَ فَقَالُوا سَاحِرٌ كَذَّابٌ
Kay Paraon, Haman at Korah; datapuwa’t kanilang tinawag (siya na): “Isang manggagaway na nagsasabi ng kasinungalingan!”
فَلَمَّا جَاءَهُمْ بِالْحَقِّ مِنْ عِنْدِنَا قَالُوا اقْتُلُوا أَبْنَاءَ الَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ وَاسْتَحْيُوا نِسَاءَهُمْ ۚ وَمَا كَيْدُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ
At nang ibigay niya sa kanila ang Katotohanan mula sa Amin, sila ay nangusap: “Patayin ninyo ang mga anak na lalaki ng mga mananalig sa kanya, at hayaan ninyo ang kanilang kababaihan na mabuhay.” Datapuwa’t ang tangka ng mga hindi sumasampalataya (ay nagwakas) sa wala maliban sa kamalian (at maling haka-haka)

Choose other languages: