Surah Fatir Ayahs #42 Translated in Filipino
إِنَّ اللَّهَ عَالِمُ غَيْبِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakaalam (ng lahat) ng mga bagay na nalilingid sa kalangitan at kalupaan; katotohanang Siya ang may Ganap na Kaalaman kung ano ang nasa puso (ng mga tao)
هُوَ الَّذِي جَعَلَكُمْ خَلَائِفَ فِي الْأَرْضِ ۚ فَمَنْ كَفَرَ فَعَلَيْهِ كُفْرُهُ ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ إِلَّا مَقْتًا ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ إِلَّا خَسَارًا
Siya ang naggawad sa inyo upang maging tagapagmana (sa maraming sali’t saling lahi) sa kalupaan; kaya’t sinuman ang hindi manampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), ang kanyang hindi pananalig ay sasakanya. At ang kawalang pananalig ng mga hindi sumasampalataya ay nakakadagdag lamang sa kanilang pagkalugi
قُلْ أَرَأَيْتُمْ شُرَكَاءَكُمُ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُوا مِنَ الْأَرْضِ أَمْ لَهُمْ شِرْكٌ فِي السَّمَاوَاتِ أَمْ آتَيْنَاهُمْ كِتَابًا فَهُمْ عَلَىٰ بَيِّنَتٍ مِنْهُ ۚ بَلْ إِنْ يَعِدُ الظَّالِمُونَ بَعْضُهُمْ بَعْضًا إِلَّا غُرُورًا
Ipagbadya (o Muhammad): “Sabihin ninyo, o ipaalam sa akin kung ano ang inyong pag-aakala (sa tinatagurian) ninyo na mga katambal (sa pagsamba) bukod pa kay Allah? Ipakita ninyo sa akin kung ano ang kanilang nilikha sa (malawak) na mundo? o mayroon ba silang bahagi (parte) sa mga kalangitan? o pinagkalooban ba Namin sila ng Aklat, na rito ay makakapagtamo sila ng maliwanag (na katibayan)? Hindi, ang Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ay nagpapangakuan sa bawat isa ng wala ng iba maliban sa mga kahibangan
إِنَّ اللَّهَ يُمْسِكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ أَنْ تَزُولَا ۚ وَلَئِنْ زَالَتَا إِنْ أَمْسَكَهُمَا مِنْ أَحَدٍ مِنْ بَعْدِهِ ۚ إِنَّهُ كَانَ حَلِيمًا غَفُورًا
Si Allah ang nagtatangan sa kalangitan at kalupaan, kung hindi, ito ay titigil (sa kanilang takdang gawain); at kung sila ay magalaw sa kanilang kinalalagyan, wala ng iba pa, ang maaaring magtaguyod sa kanilang muli. Katotohanang Siya ang Pinakamapagparaya, ang Lagi nang Nagpapatawad
وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ جَاءَهُمْ نَذِيرٌ لَيَكُونُنَّ أَهْدَىٰ مِنْ إِحْدَى الْأُمَمِ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُمْ نَذِيرٌ مَا زَادَهُمْ إِلَّا نُفُورًا
At sila ay nanunumpa kay Allah sa kanilang pinakamabuklodnasumpa, nakungangisangtagapagbabala ay dumatal sa kanila, sila ay higit na mapapatnubayan kaysa sa anumang bansa (pamayanan na una sa kanila), datapuwa’t nang ang isang tagapagbabala (Muhammad) ay suguin sa kanila, ito ay walang naidagdag sa kanila, maliban sa kanilang pag-ayaw (sa katotohanan)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
