Quran Apps in many lanuages:

Surah Fatir Ayahs #36 Translated in Filipino

ثُمَّ أَوْرَثْنَا الْكِتَابَ الَّذِينَ اصْطَفَيْنَا مِنْ عِبَادِنَا ۖ فَمِنْهُمْ ظَالِمٌ لِنَفْسِهِ وَمِنْهُمْ مُقْتَصِدٌ وَمِنْهُمْ سَابِقٌ بِالْخَيْرَاتِ بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَضْلُ الْكَبِيرُ
At Aming iginawad ang Aklat (Qur’an) bilang pamana sa Aming mga alipin na Aming pinili (ang mga tagasunod ni Muhammad), datapuwa’t mayroong ilan sa karamihan nila ang nagpahamak sa kanilang sarili (kaluluwa); ang iba sa kanila ay sumusunod sa gitnang daan (naniniwala sa ilan at nagtatakwil sa iba); at ang iba pa, sa kapahintulutan ni Allah ay namumukod tangi sa kanilang magandang pag- uugali. At ang (pagmamana ng Qur’an), katiyakang ito ay isang dakilang Biyaya
جَنَّاتُ عَدْنٍ يَدْخُلُونَهَا يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَلُؤْلُؤًا ۖ وَلِبَاسُهُمْ فِيهَا حَرِيرٌ
Sa Halamanan ng Walang Hanggan (Paraiso), rito sila ay magsisipasok; at sila ay papalamutihan ng mga pulseras na ginto at perlas; at dito ang kanilang kasuutan ay sutla
وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي أَذْهَبَ عَنَّا الْحَزَنَ ۖ إِنَّ رَبَّنَا لَغَفُورٌ شَكُورٌ
At sila ay magsasabi: “Luwalhatiin at pasalamatan si Allah na Siyang nag-alis sa amin sa (lahat) ng kapighatian, katotohanan, ang aming Panginoon ay katiyakang Malimit na Nagpapatawad at Laging Handang Magpahalaga (sa mga mabubuting gawa at sa Kabayaran)
الَّذِي أَحَلَّنَا دَارَ الْمُقَامَةِ مِنْ فَضْلِهِ لَا يَمَسُّنَا فِيهَا نَصَبٌ وَلَا يَمَسُّنَا فِيهَا لُغُوبٌ
Na Siya, mula sa Kanyang habag, ay naglunsad sa amin sa Tahanan na hindi magmamaliw; dito ay walang paghihirap, ang anumang bahid ng pagkapagal ay hindi makakadantay sa amin.”
وَالَّذِينَ كَفَرُوا لَهُمْ نَارُ جَهَنَّمَ لَا يُقْضَىٰ عَلَيْهِمْ فَيَمُوتُوا وَلَا يُخَفَّفُ عَنْهُمْ مِنْ عَذَابِهَا ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي كُلَّ كَفُورٍ
Datapuwa’t sila na nagtatakwil (kay Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam), sasakanila ang Apoy ng Impiyerno; hindi ganap na kamatayan ang kanilang mararamdaman upang sila ay mamatay, gayundin ang kaparusahan sa kanila ay hindi magbabawa. Sa gayon Namin ginagantimpalaan ang bawat isa na walang damdamin ng pasasalamat

Choose other languages: