Quran Apps in many lanuages:

Surah Fatir Ayahs #39 Translated in Filipino

الَّذِي أَحَلَّنَا دَارَ الْمُقَامَةِ مِنْ فَضْلِهِ لَا يَمَسُّنَا فِيهَا نَصَبٌ وَلَا يَمَسُّنَا فِيهَا لُغُوبٌ
Na Siya, mula sa Kanyang habag, ay naglunsad sa amin sa Tahanan na hindi magmamaliw; dito ay walang paghihirap, ang anumang bahid ng pagkapagal ay hindi makakadantay sa amin.”
وَالَّذِينَ كَفَرُوا لَهُمْ نَارُ جَهَنَّمَ لَا يُقْضَىٰ عَلَيْهِمْ فَيَمُوتُوا وَلَا يُخَفَّفُ عَنْهُمْ مِنْ عَذَابِهَا ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي كُلَّ كَفُورٍ
Datapuwa’t sila na nagtatakwil (kay Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam), sasakanila ang Apoy ng Impiyerno; hindi ganap na kamatayan ang kanilang mararamdaman upang sila ay mamatay, gayundin ang kaparusahan sa kanila ay hindi magbabawa. Sa gayon Namin ginagantimpalaan ang bawat isa na walang damdamin ng pasasalamat
وَهُمْ يَصْطَرِخُونَ فِيهَا رَبَّنَا أَخْرِجْنَا نَعْمَلْ صَالِحًا غَيْرَ الَّذِي كُنَّا نَعْمَلُ ۚ أَوَلَمْ نُعَمِّرْكُمْ مَا يَتَذَكَّرُ فِيهِ مَنْ تَذَكَّرَ وَجَاءَكُمُ النَّذِيرُ ۖ فَذُوقُوا فَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ نَصِيرٍ
dito sila ay magsisitaghoy nang malakas (sa paghingi ng tulong): “O aming Panginoon! Kami ay ibalik Ninyong muli (sa buhay sa mundo); kami ay magsisigawa ng kabutihan at hindi ng mga gawaing nakahinatnan namin noon!” (Si Allah ay magwiwika): “Hindi baga kayo ay binigyan Namin ng mahabang buhay, upang kung sinuman ang nais makatanggap ng paala-ala, ay makakatanggap nito? At ang tagapagbabala ay dumatal sa inyo. Kaya’t lasapin ninyo (ang kasamaan ng inyong mga gawa). At sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp.), sila ay walang magiging kawaksi.”
إِنَّ اللَّهَ عَالِمُ غَيْبِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakaalam (ng lahat) ng mga bagay na nalilingid sa kalangitan at kalupaan; katotohanang Siya ang may Ganap na Kaalaman kung ano ang nasa puso (ng mga tao)
هُوَ الَّذِي جَعَلَكُمْ خَلَائِفَ فِي الْأَرْضِ ۚ فَمَنْ كَفَرَ فَعَلَيْهِ كُفْرُهُ ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ إِلَّا مَقْتًا ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ إِلَّا خَسَارًا
Siya ang naggawad sa inyo upang maging tagapagmana (sa maraming sali’t saling lahi) sa kalupaan; kaya’t sinuman ang hindi manampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), ang kanyang hindi pananalig ay sasakanya. At ang kawalang pananalig ng mga hindi sumasampalataya ay nakakadagdag lamang sa kanilang pagkalugi

Choose other languages: