Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #42 Translated in Filipino

حَتَّىٰ إِذَا جَاءَنَا قَالَ يَا لَيْتَ بَيْنِي وَبَيْنَكَ بُعْدَ الْمَشْرِقَيْنِ فَبِئْسَ الْقَرِينُ
At sa kalaunan, kung (siya na ganoon) ay lumapit sa Amin, siya ay nagsasabi (sa kanyang Qarin o masamang kasama): “Sana ang naging pagitan nating dalawa ay katulad ng pagkakalayo ng Silangan at Kanluran.” (Sa sandali nang pakikipagharap kay Allah o sa oras ng Paghuhukom, ang nalinlang na kaluluwa ay makakakita sa katotohanan at maghahangad na sana ay malayo siya kay Satanas). Ah! (Tunay) ngang masamang (uri) ng kasama
وَلَنْ يَنْفَعَكُمُ الْيَوْمَ إِذْ ظَلَمْتُمْ أَنَّكُمْ فِي الْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ
walang magiging kapakinabangan sa iyo sa Araw na ito (o ikaw na tumalikod sa pag-aala-ala kay Allah at sa pagsamba sa Kanya, atbp.), sapagkat ikaw ay nakagawa ng kabuktutan, at sa Araw na ito, ikaw (at ang iyong mga Qarin, masamang mga kasama) ay magiging kabahagi sa kaparusahan
أَفَأَنْتَ تُسْمِعُ الصُّمَّ أَوْ تَهْدِي الْعُمْيَ وَمَنْ كَانَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Ikaw ba (o Muhammad) ay makakagawa na makarinig ang bingi, o iyong mabigyan ng patnubay ang bulag o siya kaya na namamayagpag sa malaking kamalian
فَإِمَّا نَذْهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنْهُمْ مُنْتَقِمُونَ
At kahit na ikaw (o Muhammad) ay Aming kunin, katotohanang Kami ay maghihiganti laban sa kanila
أَوْ نُرِيَنَّكَ الَّذِي وَعَدْنَاهُمْ فَإِنَّا عَلَيْهِمْ مُقْتَدِرُونَ
o (kung) Aming ipamamalas sa iyo kung ano ang Aming banta (ipinangako) sa kanila, kung gayon, katotohanang Kami ang may ganap na pag-uutos (kapangyarihan) laban sa kanila

Choose other languages: