Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #43 Translated in Filipino

وَلَنْ يَنْفَعَكُمُ الْيَوْمَ إِذْ ظَلَمْتُمْ أَنَّكُمْ فِي الْعَذَابِ مُشْتَرِكُونَ
walang magiging kapakinabangan sa iyo sa Araw na ito (o ikaw na tumalikod sa pag-aala-ala kay Allah at sa pagsamba sa Kanya, atbp.), sapagkat ikaw ay nakagawa ng kabuktutan, at sa Araw na ito, ikaw (at ang iyong mga Qarin, masamang mga kasama) ay magiging kabahagi sa kaparusahan
أَفَأَنْتَ تُسْمِعُ الصُّمَّ أَوْ تَهْدِي الْعُمْيَ وَمَنْ كَانَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Ikaw ba (o Muhammad) ay makakagawa na makarinig ang bingi, o iyong mabigyan ng patnubay ang bulag o siya kaya na namamayagpag sa malaking kamalian
فَإِمَّا نَذْهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنْهُمْ مُنْتَقِمُونَ
At kahit na ikaw (o Muhammad) ay Aming kunin, katotohanang Kami ay maghihiganti laban sa kanila
أَوْ نُرِيَنَّكَ الَّذِي وَعَدْنَاهُمْ فَإِنَّا عَلَيْهِمْ مُقْتَدِرُونَ
o (kung) Aming ipamamalas sa iyo kung ano ang Aming banta (ipinangako) sa kanila, kung gayon, katotohanang Kami ang may ganap na pag-uutos (kapangyarihan) laban sa kanila
فَاسْتَمْسِكْ بِالَّذِي أُوحِيَ إِلَيْكَ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Kaya’t ikaw ay manangan (o Muhammad) nang taimtim sa kapahayagan na Aming ipinadala sa iyo. Katotohanang ikaw ay nasa isang Tuwid na Landas

Choose other languages: