Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #37 Translated in Filipino

وَلَوْلَا أَنْ يَكُونَ النَّاسُ أُمَّةً وَاحِدَةً لَجَعَلْنَا لِمَنْ يَكْفُرُ بِالرَّحْمَٰنِ لِبُيُوتِهِمْ سُقُفًا مِنْ فِضَّةٍ وَمَعَارِجَ عَلَيْهَا يَظْهَرُونَ
At kung hindi lamang na ang sangkatauhan ay hahantong sa pagiging isang pamayanan (lahat ng mga hindi sumasampalataya na naghahangad sa makamundong buhay lamang), Amin sanang pagkakalooban ang mga hindi sumasampalataya sa Pinakamapagbigay (Allah) ng pilak na mga bubong para sa kanilang bahay, at (pilak) na mga hagdan upang sila ay makapanhik
وَلِبُيُوتِهِمْ أَبْوَابًا وَسُرُرًا عَلَيْهَا يَتَّكِئُونَ
At ng (pilak) na mga pintuan para sa kanilang bahay, at ng mga diban at luklukan (na yari sa pilak) upang kanilang pagpahingalayan
وَزُخْرُفًا ۚ وَإِنْ كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَالْآخِرَةُ عِنْدَ رَبِّكَ لِلْمُتَّقِينَ
At gayundin ng mga palamuting ginto. Magkagayunman, ang lahat ng ito (alalaong baga, ang mga bubong, pinto, hagdan, luklukan, atbp.) ay walang saysay maliban sa isang pagsasaya sa pangkasalukuyang buhay sa mundong ito. Ang Kabilang Buhay sa Paningin ng inyong Panginoon ay para sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na nangangamba kay Allah nang labis at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah nang higit at nagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos)
وَمَنْ يَعْشُ عَنْ ذِكْرِ الرَّحْمَٰنِ نُقَيِّضْ لَهُ شَيْطَانًا فَهُوَ لَهُ قَرِينٌ
At kung sinuman ang tumalikod sa pag-aala-ala sa Pinakamapagbigay (Allah), Kami ay nagtalaga sa kanya ng demonyo (Satanas) upang kanyang maging Qarin (matalik na kasama)
وَإِنَّهُمْ لَيَصُدُّونَهُمْ عَنِ السَّبِيلِ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ مُهْتَدُونَ
At katotohanan, sila (na mga demonyo) ang humahadlang sa kanila sa Landas (ni Allah), datapuwa’t napag-aakala nila na sila ay tunay na napapatnubayan

Choose other languages: