Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #57 Translated in Filipino

قُلْ يَا عِبَادِيَ الَّذِينَ أَسْرَفُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ لَا تَقْنَطُوا مِنْ رَحْمَةِ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَمِيعًا ۚ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ
Ipagbadya “ o Ibadi (Aking mga alipin) na nagkasala (sa pagsuway) laban sa kanilang kaluluwa (sa pamamagitan nang paggawa nang masasamang asal at kasalanan)! Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Habag ni Allah; sapagkat katotohanang si Allah ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَأَنِيبُوا إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَأَسْلِمُوا لَهُ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَكُمُ الْعَذَابُ ثُمَّ لَا تُنْصَرُونَ
Datapuwa’t magsibaling kayo sa inyong Panginoon (sa pagtitika) at isuko (ninyo ang inyong sarili) sa Kanya, bago dumatal sa inyo ang pagpaparusa. Matapos ito, kayo ay hindi na matutulungan
وَاتَّبِعُوا أَحْسَنَ مَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَكُمُ الْعَذَابُ بَغْتَةً وَأَنْتُمْ لَا تَشْعُرُونَ
At sundin ang Pinakamainam (ang Qur’an, gawin ninyo ang ipinag-uutos nito at talikdan ang ipinagbabawal nito) na ipinahayag sa inyo mula sa inyong Panginoon, bago ang Kaparusahan ay sumapit sa inyo nang walang kaabog- abog, sa panahon na hindi ninyo napag-aakala
أَنْ تَقُولَ نَفْسٌ يَا حَسْرَتَا عَلَىٰ مَا فَرَّطْتُ فِي جَنْبِ اللَّهِ وَإِنْ كُنْتُ لَمِنَ السَّاخِرِينَ
(Marahil) baka ang isang tao (kaluluwa) ay magsasabi: “Ah! Kasawian sa akin! Aking napabayaan (ang aking tungkulin) kay Allah, at ako ay isa lamang sa bunton ng mga nanunuya (sa katotohanan ng La ilaha ill Allah [Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah)
أَوْ تَقُولَ لَوْ أَنَّ اللَّهَ هَدَانِي لَكُنْتُ مِنَ الْمُتَّقِينَ
O (marahil) baka siya ay makapagsabi: “Kung si Allah ay namatnubay lamang sa akin, walang pagsala, disin sana ako ay napabilang sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na nangangamba nang labis kay Allah at umiiiwas sa lahat ng mga kasalanan at nagmamahal sa Kanya ng higit at nagsasagawa ng lahat Niyang ipinag- uutos)!”

Choose other languages: