Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #46 Translated in Filipino

اللَّهُ يَتَوَفَّى الْأَنْفُسَ حِينَ مَوْتِهَا وَالَّتِي لَمْ تَمُتْ فِي مَنَامِهَا ۖ فَيُمْسِكُ الَّتِي قَضَىٰ عَلَيْهَا الْمَوْتَ وَيُرْسِلُ الْأُخْرَىٰ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ
Si Allah ang kumukuha ng kaluluwa (ng mga tao) sa sandali ng kanilang kamatayan, gayundin (sa kaluluwa ng mga tao) na hindi namatay sa sandali ng kanilang pagtulog. Hinahawakan Niya ang (kaluluwa) ng mga tao na ang kamatayan ay naitakda na (upang hindi na makabalik muli sa buhay, alalaong baga, sa kanyang nahihimlay na katawan), at ibinabalik Niyang muli (ang ibang kaluluwa sa kanilang katawan, alalaong baga, sa mga hindi pa nakatakdang mamatay), sa natataningan na panahon. Katotohanang naririto ang mga Tanda sa mga tao na matiim na nagmumuni-muni
أَمِ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ شُفَعَاءَ ۚ قُلْ أَوَلَوْ كَانُوا لَا يَمْلِكُونَ شَيْئًا وَلَا يَعْقِلُونَ
Ano? Kumuha ba sila ng iba bilang mga tagapamagitan maliban pa kay Allah? Ipagbadya: “Kahit na sila ay walang anumang kapangyarihan at karunungan?”
قُلْ لِلَّهِ الشَّفَاعَةُ جَمِيعًا ۖ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Ipagbadya: “Kay Allah lamang ang pag-aangkin ng (lahat ng) pamamagitan. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan. Sa katapusan, sa Kanya kayong lahat ay muling ibabalik.”
وَإِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَحْدَهُ اشْمَأَزَّتْ قُلُوبُ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ ۖ وَإِذَا ذُكِرَ الَّذِينَ مِنْ دُونِهِ إِذَا هُمْ يَسْتَبْشِرُونَ
At kung si Allah lamang ang binabanggit, ang puso ng mga hindi nananampalataya ay napupuno ng pagkayamot (sa Kaisahan ni Allah); datapuwa’t kung (ang ibang mga diyus-diyosan, halimbawa, ang lahat ng kanilang mga sinasamba katulad ni Hesus na anak ni Maria, Ezra, anghel, santo o santa, imahen, Jinn, pari, krus, atbp.) maliban pa sa Kanya ay nababanggit, pagmasdan, sila ay napupuspos ng kagalakan
قُلِ اللَّهُمَّ فَاطِرَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ عَالِمَ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ أَنْتَ تَحْكُمُ بَيْنَ عِبَادِكَ فِي مَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “o Allah! Ang Tagapaglikha ng kalangitan at kalupaan! Ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ng Ghaib (mga nakalingid, Kabilang Buhay) at nakalantad. Kayo lamang ang makakapaghusga sa lipon ng Inyong mga alipin sa mga bagay na hindi nila pinagkasunduan.”

Choose other languages: