Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #49 Translated in Filipino

وَإِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَحْدَهُ اشْمَأَزَّتْ قُلُوبُ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ ۖ وَإِذَا ذُكِرَ الَّذِينَ مِنْ دُونِهِ إِذَا هُمْ يَسْتَبْشِرُونَ
At kung si Allah lamang ang binabanggit, ang puso ng mga hindi nananampalataya ay napupuno ng pagkayamot (sa Kaisahan ni Allah); datapuwa’t kung (ang ibang mga diyus-diyosan, halimbawa, ang lahat ng kanilang mga sinasamba katulad ni Hesus na anak ni Maria, Ezra, anghel, santo o santa, imahen, Jinn, pari, krus, atbp.) maliban pa sa Kanya ay nababanggit, pagmasdan, sila ay napupuspos ng kagalakan
قُلِ اللَّهُمَّ فَاطِرَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ عَالِمَ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ أَنْتَ تَحْكُمُ بَيْنَ عِبَادِكَ فِي مَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “o Allah! Ang Tagapaglikha ng kalangitan at kalupaan! Ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ng Ghaib (mga nakalingid, Kabilang Buhay) at nakalantad. Kayo lamang ang makakapaghusga sa lipon ng Inyong mga alipin sa mga bagay na hindi nila pinagkasunduan.”
وَلَوْ أَنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لَافْتَدَوْا بِهِ مِنْ سُوءِ الْعَذَابِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ وَبَدَا لَهُمْ مِنَ اللَّهِ مَا لَمْ يَكُونُوا يَحْتَسِبُونَ
At sa mga nagsigawa ng kamalian (mga sumasamba sa diyus-diyosan at walang pananalig sa Kaisahan ni Allah), kung kanila ang lahat ng nasa kalupaan at dito ay may higit pang iba; katotohanang ito ay iaalay nila upang ipangtubos sa kanilang sarili sa masamang kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay; datapuwa’t dito ay tatambad sa kanila (at magiging maliwanag) mula kay Allah, ang mga bagay na hindi nila naaala-ala
وَبَدَا لَهُمْ سَيِّئَاتُ مَا كَسَبُوا وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
Sapagkat ang kasamaan ng kanilang mga gawa ay tatambad sa kanila, at sila ay ganap na mapapalibutan ng mga bagay na noon ay tinutuya nila
فَإِذَا مَسَّ الْإِنْسَانَ ضُرٌّ دَعَانَا ثُمَّ إِذَا خَوَّلْنَاهُ نِعْمَةً مِنَّا قَالَ إِنَّمَا أُوتِيتُهُ عَلَىٰ عِلْمٍ ۚ بَلْ هِيَ فِتْنَةٌ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Ngayon, kung ang kapinsalaan ay dumapo sa tao, siya ay naninikluhod sa Amin; datapuwa’t kung maigawad na Namin ang biyaya (mailigtas siya sa gayong kapinsalaan) mula sa Amin, siya ay nagsasabi: “Ito ay aking nakamtan dahilan sa tiyak na karunungan (na aking angkin)! Hindi, ito ay isa lamang pagsubok, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaunawa

Choose other languages: