Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #42 Translated in Filipino

وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۚ قُلْ أَفَرَأَيْتُمْ مَا تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ إِنْ أَرَادَنِيَ اللَّهُ بِضُرٍّ هَلْ هُنَّ كَاشِفَاتُ ضُرِّهِ أَوْ أَرَادَنِي بِرَحْمَةٍ هَلْ هُنَّ مُمْسِكَاتُ رَحْمَتِهِ ۚ قُلْ حَسْبِيَ اللَّهُ ۖ عَلَيْهِ يَتَوَكَّلُ الْمُتَوَكِّلُونَ
At katotohanan, kung sila ay inyong tatanungin kung sino ang lumikha ng kalangitan at kalupaan, walang pagsala na kanilang sasabihin: “Si Allah (ang lumikha sa kanila).” Ipagbadya: “(Kung gayon), sabihin ninyo sa akin ang mga bagay na inyong tinatawagan maliban pa kay Allah; kung si Allah ay magnais sa akin ng panganib, sila ba (mga diyus- diyosan) ay makapagpapaalis ng Kanyang panganib; at kung si Allah ay magnais ng ilang habag sa akin, sila ba (mga diyus-diyosan) ay makakapigil sa Kanyang Habag?” Ipagbadya: “Sapat na sa akin si Allah! Ang mga nagtitiwala sa Kanya (alalaong baga, ang mga sumasampalataya), ay nararapat na magbigay (sa Kanya) ng kanilang pagtitiwala.”
قُلْ يَا قَوْمِ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّي عَامِلٌ ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “o aking pamayanan! Gawin ninyo kung ano ang paraan ninyo, at gagawin ko rin ang ayon sa akin. Hindi maglalaon at inyong mapag-aalaman
مَنْ يَأْتِيهِ عَذَابٌ يُخْزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيْهِ عَذَابٌ مُقِيمٌ
Kung kanino daratal ang kahiya-hiyang kaparusahan at kung kanino papanaog ang walang hanggang kaparusahan.”
إِنَّا أَنْزَلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ لِلنَّاسِ بِالْحَقِّ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَلِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۖ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِوَكِيلٍ
Katiyakang Aming ipinanaog sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (ang Qur’an) sa Katotohanan upang (mapatnubayan) ang sangkatauhan. Siya na tumatanggap ng patnubay ay nagbibigay kapakinabangan sa kanyang sarili (kaluluwa); datapuwa’t siya na naliligaw ay nagbibigay kapinsalaan sa kanyang sarili (kaluluwa). At ikaw (o Muhammad) ay hindi isang wakil (tagapamahala, katiwala o tagapagpatupad ng kanilang ginagawa) sa kanila
اللَّهُ يَتَوَفَّى الْأَنْفُسَ حِينَ مَوْتِهَا وَالَّتِي لَمْ تَمُتْ فِي مَنَامِهَا ۖ فَيُمْسِكُ الَّتِي قَضَىٰ عَلَيْهَا الْمَوْتَ وَيُرْسِلُ الْأُخْرَىٰ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ
Si Allah ang kumukuha ng kaluluwa (ng mga tao) sa sandali ng kanilang kamatayan, gayundin (sa kaluluwa ng mga tao) na hindi namatay sa sandali ng kanilang pagtulog. Hinahawakan Niya ang (kaluluwa) ng mga tao na ang kamatayan ay naitakda na (upang hindi na makabalik muli sa buhay, alalaong baga, sa kanyang nahihimlay na katawan), at ibinabalik Niyang muli (ang ibang kaluluwa sa kanilang katawan, alalaong baga, sa mga hindi pa nakatakdang mamatay), sa natataningan na panahon. Katotohanang naririto ang mga Tanda sa mga tao na matiim na nagmumuni-muni

Choose other languages: