Surah Az-Zamar Ayahs #29 Translated in Filipino
كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَأَتَاهُمُ الْعَذَابُ مِنْ حَيْثُ لَا يَشْعُرُونَ
Sila na mga nauna sa kanila ay nagpasinungaling (sa kapahayagan), kaya’t ang kaparusahan ay dumatal sa kanila sa landas na hindi nila inaasahan
فَأَذَاقَهُمُ اللَّهُ الْخِزْيَ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَكْبَرُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ
Kaya’t ginawaran sila ni Allah na lasapin ang pagkaaba sa pangkasalukuyang buhay, datapuwa’t higit na matindi ang Kaparusahan sa Kabilang Buhay, kung kanila lamang nalalaman
وَلَقَدْ ضَرَبْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ
At katotohanang Aming inihantad sa mga tao sa Qur’an na ito ang lahat ng uri ng paghahambing (talinghaga) upang sila ay makatanggap ng paala-ala
قُرْآنًا عَرَبِيًّا غَيْرَ ذِي عِوَجٍ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ
Isang Qur’an sa (wikang) Arabik na walang anumang kalihisan (dito), upang kanilang maiwasan ang lahat ng kasamaan na ipinag-utos ni Allah na kanilang talikdan
ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا رَجُلًا فِيهِ شُرَكَاءُ مُتَشَاكِسُونَ وَرَجُلًا سَلَمًا لِرَجُلٍ هَلْ يَسْتَوِيَانِ مَثَلًا ۚ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Si Allah ay nagpahayag ng isang talinghaga: Isang (lingkod) na tao na kasama sa karamihan ng mga nag-aakibat ng katambal (sa pagsamba kay Allah) at nagtatalo-talo sa bawat isa, at ng isang (lingkod) na tao na nabibilang nang ganap sa isang panginoon (na sumasamba lamang kay Allah); sila baga ay magkatulad kung paghahambingin? Ang lahat ng mga pagluwalhati at pasasalamat ay kay Allah! Datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
