Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #28 Translated in Filipino

أَفَمَنْ يَتَّقِي بِوَجْهِهِ سُوءَ الْعَذَابِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ وَقِيلَ لِلظَّالِمِينَ ذُوقُوا مَا كُنْتُمْ تَكْسِبُونَ
Siya kaya na haharapin niya ng kanyang mukha ang kahiya-hiyang Kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay (ay katulad niya na napapangalagaan dito, at papasok nang mapayapa sa Paraiso)? At sa Zalimun (mga mapaggawa ng kamalian at mapagsamba sa mga diyus-diyosan) ay ipagbabadya: “Lasapin ninyo (ang bunga) ng inyong kinita!”
كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَأَتَاهُمُ الْعَذَابُ مِنْ حَيْثُ لَا يَشْعُرُونَ
Sila na mga nauna sa kanila ay nagpasinungaling (sa kapahayagan), kaya’t ang kaparusahan ay dumatal sa kanila sa landas na hindi nila inaasahan
فَأَذَاقَهُمُ اللَّهُ الْخِزْيَ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَكْبَرُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ
Kaya’t ginawaran sila ni Allah na lasapin ang pagkaaba sa pangkasalukuyang buhay, datapuwa’t higit na matindi ang Kaparusahan sa Kabilang Buhay, kung kanila lamang nalalaman
وَلَقَدْ ضَرَبْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ
At katotohanang Aming inihantad sa mga tao sa Qur’an na ito ang lahat ng uri ng paghahambing (talinghaga) upang sila ay makatanggap ng paala-ala
قُرْآنًا عَرَبِيًّا غَيْرَ ذِي عِوَجٍ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ
Isang Qur’an sa (wikang) Arabik na walang anumang kalihisan (dito), upang kanilang maiwasan ang lahat ng kasamaan na ipinag-utos ni Allah na kanilang talikdan

Choose other languages: