Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #93 Translated in Filipino

أَعَدَّ اللَّهُ لَهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
Sa kanila ay inihanda na ni Allah ang Halamanan (Paraiso) na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, upang manahan dito magpakailanman. Ito ang tunay na rurok ng tagumpay
وَجَاءَ الْمُعَذِّرُونَ مِنَ الْأَعْرَابِ لِيُؤْذَنَ لَهُمْ وَقَعَدَ الَّذِينَ كَذَبُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ سَيُصِيبُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
At sila na gumagawa ng mga dahilan mula (sa lipon) ng mga bedouin (mga naninirahan sa disyerto) ay lumapit (sa iyo, o Muhammad) na humihingi ng iyong pahintulot na sila ay hindi na maging saklaw (na makipaglaban sa digmaan), at sila na nagsinungaling kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita ay nangakaupo sa kanilang tahanan (na hindi humihingi rito ng pahintulot); isang kasakit-sakit na kaparusahan ang sasakmal sa kanila na mga hindi nananampalataya
لَيْسَ عَلَى الضُّعَفَاءِ وَلَا عَلَى الْمَرْضَىٰ وَلَا عَلَى الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ مَا يُنْفِقُونَ حَرَجٌ إِذَا نَصَحُوا لِلَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ مَا عَلَى الْمُحْسِنِينَ مِنْ سَبِيلٍ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Hindi isang kasalanan sa kanila, na mga mahihina o may karamdaman o sila na walang kakayahan at walang mapagkukunan upang gumugol (sa banal na digmaan [Jihad]), kung sila ay matapat (sa kanilang tungkulin) kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. walang anumang batayan (ng hinaing) ang maaaring ipataw sa Muhsinun (mga mapaggawa ng kabutihan). At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَلَا عَلَى الَّذِينَ إِذَا مَا أَتَوْكَ لِتَحْمِلَهُمْ قُلْتَ لَا أَجِدُ مَا أَحْمِلُكُمْ عَلَيْهِ تَوَلَّوْا وَأَعْيُنُهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ حَزَنًا أَلَّا يَجِدُوا مَا يُنْفِقُونَ
Gayundin (ay walang kasalanan) sa kanila na lumapit sa iyo upang mabigyan ng dalahin, at nang iyong sinabi: “Hindi ako makakita ng dalahin para sa inyo,” sila ay lumisan na ang kanilang mga mata ay tigmak sa luha ng pagdadalamhati dahilan sa sila ay hindi makasumpong ng anuman upang gugulin (sa Jihad [banal na digmaan)
إِنَّمَا السَّبِيلُ عَلَى الَّذِينَ يَسْتَأْذِنُونَكَ وَهُمْ أَغْنِيَاءُ ۚ رَضُوا بِأَنْ يَكُونُوا مَعَ الْخَوَالِفِ وَطَبَعَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Ang batayan (ng hinaing) ay tanging laban lamang sa mga mayayaman, na gayunpaman ay humihiling na hindi maging saklaw. Sila ay nasisiyahan na kasama ang kababaihan na nakaupo at naiwan (sa kanilang tahanan), at si Allah ay naglagay ng sagka sa kanilang puso (sa lahat ng uri ng kabutihan at tuwid na patnubay), upang hindi nila maalaman (kung ano ang natatalo [nagpapalungi] sa kanila

Choose other languages: