Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #91 Translated in Filipino

رَضُوا بِأَنْ يَكُونُوا مَعَ الْخَوَالِفِ وَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَفْقَهُونَ
Sila ay nasisiyahan na kasama ang mga (kababaihan) na nakaupo at nagpaiwan (sa kanilang tahanan). Ang kanilang pusoaynasasagkaan(salahatnguringkabutihanattuwidna patnubay), kaya’t sila ay hindi nakakaunawa
لَٰكِنِ الرَّسُولُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ جَاهَدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ ۚ وَأُولَٰئِكَ لَهُمُ الْخَيْرَاتُ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Datapuwa’t ang Tagapagbalita (Muhammad), at sila na may pananalig sa Kanya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) ay nagsikap na maigi at nakipaglaban na kasama ang kanilang kayamanan at kanilang buhay (sa Kapakanan ni Allah). Sila yaong (sa kanila) ay nakalaan ang mga mabubuting bagay, at sila ang mga magsisipagtagumpay
أَعَدَّ اللَّهُ لَهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
Sa kanila ay inihanda na ni Allah ang Halamanan (Paraiso) na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, upang manahan dito magpakailanman. Ito ang tunay na rurok ng tagumpay
وَجَاءَ الْمُعَذِّرُونَ مِنَ الْأَعْرَابِ لِيُؤْذَنَ لَهُمْ وَقَعَدَ الَّذِينَ كَذَبُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ سَيُصِيبُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
At sila na gumagawa ng mga dahilan mula (sa lipon) ng mga bedouin (mga naninirahan sa disyerto) ay lumapit (sa iyo, o Muhammad) na humihingi ng iyong pahintulot na sila ay hindi na maging saklaw (na makipaglaban sa digmaan), at sila na nagsinungaling kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita ay nangakaupo sa kanilang tahanan (na hindi humihingi rito ng pahintulot); isang kasakit-sakit na kaparusahan ang sasakmal sa kanila na mga hindi nananampalataya
لَيْسَ عَلَى الضُّعَفَاءِ وَلَا عَلَى الْمَرْضَىٰ وَلَا عَلَى الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ مَا يُنْفِقُونَ حَرَجٌ إِذَا نَصَحُوا لِلَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ مَا عَلَى الْمُحْسِنِينَ مِنْ سَبِيلٍ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Hindi isang kasalanan sa kanila, na mga mahihina o may karamdaman o sila na walang kakayahan at walang mapagkukunan upang gumugol (sa banal na digmaan [Jihad]), kung sila ay matapat (sa kanilang tungkulin) kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. walang anumang batayan (ng hinaing) ang maaaring ipataw sa Muhsinun (mga mapaggawa ng kabutihan). At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

Choose other languages: