Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #87 Translated in Filipino

فَإِنْ رَجَعَكَ اللَّهُ إِلَىٰ طَائِفَةٍ مِنْهُمْ فَاسْتَأْذَنُوكَ لِلْخُرُوجِ فَقُلْ لَنْ تَخْرُجُوا مَعِيَ أَبَدًا وَلَنْ تُقَاتِلُوا مَعِيَ عَدُوًّا ۖ إِنَّكُمْ رَضِيتُمْ بِالْقُعُودِ أَوَّلَ مَرَّةٍ فَاقْعُدُوا مَعَ الْخَالِفِينَ
At kung dalhin kayong muli ni Allah sa lipon nila (mga mapagkunwari), at sila ay humingi ng iyong pahintulot na pumalaot (upang makipaglaban), iyong sabihin: “Kailanman ay hindi kayo papalaot na kasama ako, gayundin ay hindi kayo lalaban sa (mga) kaaway na kasama ako; kayo ay pumayag na maupo at walang ginagawa sa unang pagkakataon, kaya’t magsiupo kayo (ngayon) na kasama ng mga nagpaiwan.”
وَلَا تُصَلِّ عَلَىٰ أَحَدٍ مِنْهُمْ مَاتَ أَبَدًا وَلَا تَقُمْ عَلَىٰ قَبْرِهِ ۖ إِنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَمَاتُوا وَهُمْ فَاسِقُونَ
At huwag kailanman (o Muhammad), na ikaw ay magdasal (sa libing) ng sinuman sa kanila (mga mapagkunwari) na pumanaw, gayundin ay huwag kang tumindig sa kaniyang puntod. Katotohanang sila ay hindi nanampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, at sila ay namatay habang sila ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita)
وَلَا تُعْجِبْكَ أَمْوَالُهُمْ وَأَوْلَادُهُمْ ۚ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُعَذِّبَهُمْ بِهَا فِي الدُّنْيَا وَتَزْهَقَ أَنْفُسُهُمْ وَهُمْ كَافِرُونَ
At huwag hayaan ang kanilang kayamanan, gayundin ang kanilang mga anak ay makaganyak sa iyo. Ang balak ni Allah ay parusahan sila ng mga ganitong bagay sa mundong ito, at ang kanilang kaluluwa ay pumanaw (mamatay) habang sila ay mga hindi nananampalataya
وَإِذَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ أَنْ آمِنُوا بِاللَّهِ وَجَاهِدُوا مَعَ رَسُولِهِ اسْتَأْذَنَكَ أُولُو الطَّوْلِ مِنْهُمْ وَقَالُوا ذَرْنَا نَكُنْ مَعَ الْقَاعِدِينَ
At kung ang Surah (kabanata mula sa Qur’an) ay ipinapahayag, na nagtatagubilin sa kanila na sumasampalataya kay Allah at nagsisikap na mainam at nakikipaglaban na kasama ang Tagapagbalita, ang mga may kayamanan sa lipon nila ay humihingingiyongpahintulotnasilaayhindimagingsaklaw (ng Jihad, ang banal na pakikipaglaban tungo sa kapakanan ni Allah) at nagsasabi, “Iwanan ninyo kami (sa likuran), kami ay sasama roon sa mga nakaupo (sa kanilang tahanan)
رَضُوا بِأَنْ يَكُونُوا مَعَ الْخَوَالِفِ وَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَفْقَهُونَ
Sila ay nasisiyahan na kasama ang mga (kababaihan) na nakaupo at nagpaiwan (sa kanilang tahanan). Ang kanilang pusoaynasasagkaan(salahatnguringkabutihanattuwidna patnubay), kaya’t sila ay hindi nakakaunawa

Choose other languages: