Surah At-Tawba Ayahs #85 Translated in Filipino
فَرِحَ الْمُخَلَّفُونَ بِمَقْعَدِهِمْ خِلَافَ رَسُولِ اللَّهِ وَكَرِهُوا أَنْ يُجَاهِدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَقَالُوا لَا تَنْفِرُوا فِي الْحَرِّ ۗ قُلْ نَارُ جَهَنَّمَ أَشَدُّ حَرًّا ۚ لَوْ كَانُوا يَفْقَهُونَ
Sila na nagpaiwan (sa paglalakbay sa Tabuk na may misyon ng pakikipaglaban) at nagsipagsaya na sila ay nagpaiwan (hindi sumama) sa Tagapagbalita ni Allah; sila ay namuhi na magsumikap at makipaglaban na kasama ang kanilang mga ari-arian at kanilang buhay tungo sa Kapakanan ni Allah, at sila ay nagsabi: “Huwag kayong magsitungo paharap sa init.” Ipagbadya: “Ang Apoy ng Impiyerno ay higit na matindi ang init, kung kanila lamang nauunawaan!”
فَلْيَضْحَكُوا قَلِيلًا وَلْيَبْكُوا كَثِيرًا جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Kaya’t hayaan silang humalakhak ng kakarampot at (hindi magtatagal sila) ay lubhang magsisitangis bilang kabayaran sa anumang kanilang kinita (sa paggawa ng mga kasalanan)
فَإِنْ رَجَعَكَ اللَّهُ إِلَىٰ طَائِفَةٍ مِنْهُمْ فَاسْتَأْذَنُوكَ لِلْخُرُوجِ فَقُلْ لَنْ تَخْرُجُوا مَعِيَ أَبَدًا وَلَنْ تُقَاتِلُوا مَعِيَ عَدُوًّا ۖ إِنَّكُمْ رَضِيتُمْ بِالْقُعُودِ أَوَّلَ مَرَّةٍ فَاقْعُدُوا مَعَ الْخَالِفِينَ
At kung dalhin kayong muli ni Allah sa lipon nila (mga mapagkunwari), at sila ay humingi ng iyong pahintulot na pumalaot (upang makipaglaban), iyong sabihin: “Kailanman ay hindi kayo papalaot na kasama ako, gayundin ay hindi kayo lalaban sa (mga) kaaway na kasama ako; kayo ay pumayag na maupo at walang ginagawa sa unang pagkakataon, kaya’t magsiupo kayo (ngayon) na kasama ng mga nagpaiwan.”
وَلَا تُصَلِّ عَلَىٰ أَحَدٍ مِنْهُمْ مَاتَ أَبَدًا وَلَا تَقُمْ عَلَىٰ قَبْرِهِ ۖ إِنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَمَاتُوا وَهُمْ فَاسِقُونَ
At huwag kailanman (o Muhammad), na ikaw ay magdasal (sa libing) ng sinuman sa kanila (mga mapagkunwari) na pumanaw, gayundin ay huwag kang tumindig sa kaniyang puntod. Katotohanang sila ay hindi nanampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, at sila ay namatay habang sila ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita)
وَلَا تُعْجِبْكَ أَمْوَالُهُمْ وَأَوْلَادُهُمْ ۚ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُعَذِّبَهُمْ بِهَا فِي الدُّنْيَا وَتَزْهَقَ أَنْفُسُهُمْ وَهُمْ كَافِرُونَ
At huwag hayaan ang kanilang kayamanan, gayundin ang kanilang mga anak ay makaganyak sa iyo. Ang balak ni Allah ay parusahan sila ng mga ganitong bagay sa mundong ito, at ang kanilang kaluluwa ay pumanaw (mamatay) habang sila ay mga hindi nananampalataya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
