Surah At-Tawba Ayahs #41 Translated in Filipino
إِنَّمَا النَّسِيءُ زِيَادَةٌ فِي الْكُفْرِ ۖ يُضَلُّ بِهِ الَّذِينَ كَفَرُوا يُحِلُّونَهُ عَامًا وَيُحَرِّمُونَهُ عَامًا لِيُوَاطِئُوا عِدَّةَ مَا حَرَّمَ اللَّهُ فَيُحِلُّوا مَا حَرَّمَ اللَّهُ ۚ زُيِّنَ لَهُمْ سُوءُ أَعْمَالِهِمْ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ
Ang pagpapaliban (ng Banal na buwan) ay katotohanang isang karagdagan sa kawalan ng pananalig; kaya nga’t ang mga walang pananampalataya ay humantong sa pagkaligaw, sapagkat ginawa nilang tumpak ito sa isang taon at ipinagbawal ito sa sumunod na taon upang kanilang mabago ang bilang ng mga buwan na ipinagbabawal ni Allah, at ginawa ang mga ipinagbabawal na pinahihintulutan. Ang kasamaan ng kanilang mga gawa ay nagiging kalugod-lugod sa kanila. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na walang pananampalataya
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا مَا لَكُمْ إِذَا قِيلَ لَكُمُ انْفِرُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ اثَّاقَلْتُمْ إِلَى الْأَرْضِ ۚ أَرَضِيتُمْ بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا مِنَ الْآخِرَةِ ۚ فَمَا مَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا فِي الْآخِرَةِ إِلَّا قَلِيلٌ
o kayong nagsisisampalataya! Ano ang nangyayari sa inyo, na nang kayo ay pagsabihan na pumaroon sa Kapakanan ni Allah (alalaong baga, sa Jihad [ang banal na pakikipaglaban para kay Allah]), kayo ay mahigpit na kumakapit sa kalupaan? Kayo baga ay nalulugod sa buhay na ito kaysa sa Kabilang Buhay? Datapuwa’t kakaunti lamang ang kasiyahan ng buhay sa mundong ito kung ihahalintulad sa Kabilang Buhay
إِلَّا تَنْفِرُوا يُعَذِّبْكُمْ عَذَابًا أَلِيمًا وَيَسْتَبْدِلْ قَوْمًا غَيْرَكُمْ وَلَا تَضُرُّوهُ شَيْئًا ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Kung kayo ay hindi paparoon, Siya ay magpaparusa sa inyo ng isang kasakit-sakit na kaparusahan at Kanyang papalitan kayo ng ibang tao, at Siya ay hindi ninyo mabibigyan ng anupamang kapinsalaan, at si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay
إِلَّا تَنْصُرُوهُ فَقَدْ نَصَرَهُ اللَّهُ إِذْ أَخْرَجَهُ الَّذِينَ كَفَرُوا ثَانِيَ اثْنَيْنِ إِذْ هُمَا فِي الْغَارِ إِذْ يَقُولُ لِصَاحِبِهِ لَا تَحْزَنْ إِنَّ اللَّهَ مَعَنَا ۖ فَأَنْزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَيْهِ وَأَيَّدَهُ بِجُنُودٍ لَمْ تَرَوْهَا وَجَعَلَ كَلِمَةَ الَّذِينَ كَفَرُوا السُّفْلَىٰ ۗ وَكَلِمَةُ اللَّهِ هِيَ الْعُلْيَا ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Kung siya (Muhammad) ay hindi ninyo tutulungan (ito ay hindi mahalaga), sapagkat katotohanang siya ay tinulungan ni Allah, nang ang mga hindi sumasampalataya ay nagtaboy sa kanya sa labas; ang pangalawa sa dalawa, nang sila (Muhammad at Abu Bakr) ay nasa loob ng yungib, at kanyang (Muhammad) sinabi sa kanyang kasama (Abu Bakr): “Huwag kang malumbay (o mangamba), katotohanang si Allah ay nananatili sa atin.” At ipinanaog ni Allah ang Kanyang Sakinah (kapanatagan, kahinahunan, kapayapaan, atbp.) sa kanya, at Kanyang pinalakas siya sa puwersa (ng mga anghel) na hindi ninyo nakikita, at ginawa (Niya) ang salita ng mga hindi nananampalataya na pinakamababa (walang halaga), datapuwa’t ang Salita ni Allah ang higit na naging mataas (tampok), at si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman
انْفِرُوا خِفَافًا وَثِقَالًا وَجَاهِدُوا بِأَمْوَالِكُمْ وَأَنْفُسِكُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ
Magsihayo kayo, kahima’t kayo ay magaan (sa pagiging malusog, bata at mayaman) o may kabigatan (sa pagiging maysakit, matanda at mahirap), kayo ay magsikap na mabuti na kasama ang inyong kayamanan at inyong buhay tungo sa Kapakanan ni Allah. Ito ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
