Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #44 Translated in Filipino

إِلَّا تَنْصُرُوهُ فَقَدْ نَصَرَهُ اللَّهُ إِذْ أَخْرَجَهُ الَّذِينَ كَفَرُوا ثَانِيَ اثْنَيْنِ إِذْ هُمَا فِي الْغَارِ إِذْ يَقُولُ لِصَاحِبِهِ لَا تَحْزَنْ إِنَّ اللَّهَ مَعَنَا ۖ فَأَنْزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَيْهِ وَأَيَّدَهُ بِجُنُودٍ لَمْ تَرَوْهَا وَجَعَلَ كَلِمَةَ الَّذِينَ كَفَرُوا السُّفْلَىٰ ۗ وَكَلِمَةُ اللَّهِ هِيَ الْعُلْيَا ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Kung siya (Muhammad) ay hindi ninyo tutulungan (ito ay hindi mahalaga), sapagkat katotohanang siya ay tinulungan ni Allah, nang ang mga hindi sumasampalataya ay nagtaboy sa kanya sa labas; ang pangalawa sa dalawa, nang sila (Muhammad at Abu Bakr) ay nasa loob ng yungib, at kanyang (Muhammad) sinabi sa kanyang kasama (Abu Bakr): “Huwag kang malumbay (o mangamba), katotohanang si Allah ay nananatili sa atin.” At ipinanaog ni Allah ang Kanyang Sakinah (kapanatagan, kahinahunan, kapayapaan, atbp.) sa kanya, at Kanyang pinalakas siya sa puwersa (ng mga anghel) na hindi ninyo nakikita, at ginawa (Niya) ang salita ng mga hindi nananampalataya na pinakamababa (walang halaga), datapuwa’t ang Salita ni Allah ang higit na naging mataas (tampok), at si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman
انْفِرُوا خِفَافًا وَثِقَالًا وَجَاهِدُوا بِأَمْوَالِكُمْ وَأَنْفُسِكُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ
Magsihayo kayo, kahima’t kayo ay magaan (sa pagiging malusog, bata at mayaman) o may kabigatan (sa pagiging maysakit, matanda at mahirap), kayo ay magsikap na mabuti na kasama ang inyong kayamanan at inyong buhay tungo sa Kapakanan ni Allah. Ito ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman
لَوْ كَانَ عَرَضًا قَرِيبًا وَسَفَرًا قَاصِدًا لَاتَّبَعُوكَ وَلَٰكِنْ بَعُدَتْ عَلَيْهِمُ الشُّقَّةُ ۚ وَسَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَوِ اسْتَطَعْنَا لَخَرَجْنَا مَعَكُمْ يُهْلِكُونَ أَنْفُسَهُمْ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ
Kung ito ay isa lamang dagliang pakinabang (labi ng yaman na nasa kanilang harapan) at isang maginhawang paglalakbay, sila ay susunod sa inyo, subalit ang layo (ng paglalakbay sa Tabuk) ay mahaba (malayo) sa kanila, at sila ay nanunumpa (sa Ngalan) ni Allah, “Kung kaya lamang namin, katiyakang kami ay sumama na sa inyo.” Sila ang nagwasak sa kanilang sarili, at nababatid ni Allah na sila ay mga sinungaling
عَفَا اللَّهُ عَنْكَ لِمَ أَذِنْتَ لَهُمْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكَ الَّذِينَ صَدَقُوا وَتَعْلَمَ الْكَاذِبِينَ
Nawa’y patawarin ka (O Muhammad) ni Allah. Bakit sila ay iyong pinayagan na makapamili (na manatili at maiwan, sana’yipinagpilitanmoangtungkolsaiyongipinag- uutos na sila ay tumungo sa Jihad [banal na pakikipaglaban para kay Allah]), hanggang ang nagsasabi ng katotohanan ay iyong mamasdan sa maliwanag at iyong maalaman ang mga sinungaling
لَا يَسْتَأْذِنُكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ أَنْ يُجَاهِدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالْمُتَّقِينَ
Sila na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw ay hindi hihingi ng iyong pahintulot na huwag silang sumama sa pakikipaglaban, na kasama ang kanilang ari-arian at kanilang buhay; at si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng Muttaqun (mga matimtiman, mabuti, at matuwid na tao)

Choose other languages: