Surah At-Tawba Ayahs #46 Translated in Filipino
لَوْ كَانَ عَرَضًا قَرِيبًا وَسَفَرًا قَاصِدًا لَاتَّبَعُوكَ وَلَٰكِنْ بَعُدَتْ عَلَيْهِمُ الشُّقَّةُ ۚ وَسَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَوِ اسْتَطَعْنَا لَخَرَجْنَا مَعَكُمْ يُهْلِكُونَ أَنْفُسَهُمْ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ
Kung ito ay isa lamang dagliang pakinabang (labi ng yaman na nasa kanilang harapan) at isang maginhawang paglalakbay, sila ay susunod sa inyo, subalit ang layo (ng paglalakbay sa Tabuk) ay mahaba (malayo) sa kanila, at sila ay nanunumpa (sa Ngalan) ni Allah, “Kung kaya lamang namin, katiyakang kami ay sumama na sa inyo.” Sila ang nagwasak sa kanilang sarili, at nababatid ni Allah na sila ay mga sinungaling
عَفَا اللَّهُ عَنْكَ لِمَ أَذِنْتَ لَهُمْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكَ الَّذِينَ صَدَقُوا وَتَعْلَمَ الْكَاذِبِينَ
Nawa’y patawarin ka (O Muhammad) ni Allah. Bakit sila ay iyong pinayagan na makapamili (na manatili at maiwan, sana’yipinagpilitanmoangtungkolsaiyongipinag- uutos na sila ay tumungo sa Jihad [banal na pakikipaglaban para kay Allah]), hanggang ang nagsasabi ng katotohanan ay iyong mamasdan sa maliwanag at iyong maalaman ang mga sinungaling
لَا يَسْتَأْذِنُكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ أَنْ يُجَاهِدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالْمُتَّقِينَ
Sila na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw ay hindi hihingi ng iyong pahintulot na huwag silang sumama sa pakikipaglaban, na kasama ang kanilang ari-arian at kanilang buhay; at si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng Muttaqun (mga matimtiman, mabuti, at matuwid na tao)
إِنَّمَا يَسْتَأْذِنُكَ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَارْتَابَتْ قُلُوبُهُمْ فَهُمْ فِي رَيْبِهِمْ يَتَرَدَّدُونَ
At sila lamang na mga hindi sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw, at sila na ang puso ay nasa pag-aalinlangan, ang humihingi ng iyong pahintulot (na huwag silang makabilang sa Jihad [banal na pakikipaglaban para kay Allah]). Kaya’t sa kanilang mga pag-aalinlangan, sila ay nag-aatubili
وَلَوْ أَرَادُوا الْخُرُوجَ لَأَعَدُّوا لَهُ عُدَّةً وَلَٰكِنْ كَرِهَ اللَّهُ انْبِعَاثَهُمْ فَثَبَّطَهُمْ وَقِيلَ اقْعُدُوا مَعَ الْقَاعِدِينَ
At kung sila ay (tunay) na nagnanais na pumalaot (sa labanan), katiyakang sila ay gagawa ng ilang paghahanda para rito, datapuwa’t si Allah ay tutol na sila ay isugod, kaya’t Kanyang ginawa na maiwan sila, at ito ang winika (sa kanila): “Maupo kayo na kasama ang mga nakaupo (sa kanilang tahanan).”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
