Surah At-Tawba Ayahs #37 Translated in Filipino
هُوَ الَّذِي أَرْسَلَ رَسُولَهُ بِالْهُدَىٰ وَدِينِ الْحَقِّ لِيُظْهِرَهُ عَلَى الدِّينِ كُلِّهِ وَلَوْ كَرِهَ الْمُشْرِكُونَ
Siya (Allah) ang nagsugo ng Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) ng may Patnubay at ng Pananampalataya ng Katotohanan (Islam), upang gawin Niya itong dakila (at higit) sa lahat ng mga pananampalataya (relihiyon) kahit na ang Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) ay mamuhi (rito)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ كَثِيرًا مِنَ الْأَحْبَارِ وَالرُّهْبَانِ لَيَأْكُلُونَ أَمْوَالَ النَّاسِ بِالْبَاطِلِ وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۗ وَالَّذِينَ يَكْنِزُونَ الذَّهَبَ وَالْفِضَّةَ وَلَا يُنْفِقُونَهَا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَبَشِّرْهُمْ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
O kayong nagsisisampalataya! Katotohanang marami sa mga (Hudyong) rabbi (maalam sa relihiyon) at mga (Kristiyanong) monako (pari) ang nagpapasasa sa kayamanan ng sangkatauhan (sa pamamagitan ng) kabulaanan, at humadlang (sa kanila) tungo sa Landas ni Allah (alalaong baga, sa Islam at sa Kaisahan ni Allah). At mayroon sa kanila na nagtitinggal ng ginto at pilak (Al- Kanz, ang pera na hindi ipinagbayad ng Zakah [katungkulang kawanggawa]), at hindi gumugugol nito tungo sa Landas ni Allah, - ipagbadya sa kanila ang kasakit-sakit na kaparusahan
يَوْمَ يُحْمَىٰ عَلَيْهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ فَتُكْوَىٰ بِهَا جِبَاهُهُمْ وَجُنُوبُهُمْ وَظُهُورُهُمْ ۖ هَٰذَا مَا كَنَزْتُمْ لِأَنْفُسِكُمْ فَذُوقُوا مَا كُنْتُمْ تَكْنِزُونَ
Sa Araw na ang Al-Kanz (salapi, ginto at pilak, atbp. na ang Zakah [katungkulang kawanggawa] rito ay hindi ipinagbayad), ay paiinitin sa Apoy ng Impiyerno at ito ay itatatak sa kanilang noo, sa kanilang tagiliran, at sa kanilang likod (at ipagbabadya sa kanila): “Ito ang kayamanan na inyong itinago sa inyong sarili. Ngayon, inyong lasapin ang inyong inimpok.”
إِنَّ عِدَّةَ الشُّهُورِ عِنْدَ اللَّهِ اثْنَا عَشَرَ شَهْرًا فِي كِتَابِ اللَّهِ يَوْمَ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ مِنْهَا أَرْبَعَةٌ حُرُمٌ ۚ ذَٰلِكَ الدِّينُ الْقَيِّمُ ۚ فَلَا تَظْلِمُوا فِيهِنَّ أَنْفُسَكُمْ ۚ وَقَاتِلُوا الْمُشْرِكِينَ كَافَّةً كَمَا يُقَاتِلُونَكُمْ كَافَّةً ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ
Katotohanan, ang bilang ng mga buwan kay Allah ay labingdalawang buwan (sa isang taon), ito ang itinalaga ni Allah sa Araw na Kanyang nilikha ang mga kalangitan at kalupaan; na rito ay apat ang sagrado [banal], (alalaong baga, ang una, ang pampito, ang panglabing-isa at panlabingdalawang buwan ng kalendaryong Islamiko). Ito ang tunay na pananampalataya, kaya’t huwag ninyong ipalungi ang inyong sarili rito, at makipaglaban kayo laban sa Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) nang sama-sama, kung paano rin sila ay nakikipaglaban sa inyo nang sama-sama. Datapuwa’t inyong maalaman na si Allah ay nananatili sa Mutaqqun (matuwid, matimtiman at mabuting mga tao)
إِنَّمَا النَّسِيءُ زِيَادَةٌ فِي الْكُفْرِ ۖ يُضَلُّ بِهِ الَّذِينَ كَفَرُوا يُحِلُّونَهُ عَامًا وَيُحَرِّمُونَهُ عَامًا لِيُوَاطِئُوا عِدَّةَ مَا حَرَّمَ اللَّهُ فَيُحِلُّوا مَا حَرَّمَ اللَّهُ ۚ زُيِّنَ لَهُمْ سُوءُ أَعْمَالِهِمْ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ
Ang pagpapaliban (ng Banal na buwan) ay katotohanang isang karagdagan sa kawalan ng pananalig; kaya nga’t ang mga walang pananampalataya ay humantong sa pagkaligaw, sapagkat ginawa nilang tumpak ito sa isang taon at ipinagbawal ito sa sumunod na taon upang kanilang mabago ang bilang ng mga buwan na ipinagbabawal ni Allah, at ginawa ang mga ipinagbabawal na pinahihintulutan. Ang kasamaan ng kanilang mga gawa ay nagiging kalugod-lugod sa kanila. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na walang pananampalataya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
