Surah At-Tawba Ayahs #113 Translated in Filipino
أَفَمَنْ أَسَّسَ بُنْيَانَهُ عَلَىٰ تَقْوَىٰ مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانٍ خَيْرٌ أَمْ مَنْ أَسَّسَ بُنْيَانَهُ عَلَىٰ شَفَا جُرُفٍ هَارٍ فَانْهَارَ بِهِ فِي نَارِ جَهَنَّمَ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Siya kaya na naglatag ng pundasyon ng kanyang gusali sa kabanalan para kay Allah at (humahanap) sa Kanyang Mabuting Pagkalugod ay higit na mainam, o siya kaya na naglatag ng pundasyon ng kanyang gusali sa hindi matiyak na bingit ng pagkalugso, na handang maguhong pababa, upang ito ay maguho sa maraming bahagi na kasama niya sa Apoy ng Impiyerno? At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga malupit, mabalasik, palalo, mapagsamba sa diyus- diyosan at mapaggawa ng kabuktutan)
لَا يَزَالُ بُنْيَانُهُمُ الَّذِي بَنَوْا رِيبَةً فِي قُلُوبِهِمْ إِلَّا أَنْ تَقَطَّعَ قُلُوبُهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Ang gusali na kanilang itinindig ay hindi kailanman titigil na siyang maging sanhi ng pagkukunwari at alinlangan sa kanilang puso, malibang ang kanilang puso ay hiwain sa maraming bahagi (alalaong baga, hanggang sa sila ay mamatay). At si Allah ay Ganap na Nakakaalam, ang Tigib ng Karunungan
إِنَّ اللَّهَ اشْتَرَىٰ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ أَنْفُسَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ بِأَنَّ لَهُمُ الْجَنَّةَ ۚ يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَيَقْتُلُونَ وَيُقْتَلُونَ ۖ وَعْدًا عَلَيْهِ حَقًّا فِي التَّوْرَاةِ وَالْإِنْجِيلِ وَالْقُرْآنِ ۚ وَمَنْ أَوْفَىٰ بِعَهْدِهِ مِنَ اللَّهِ ۚ فَاسْتَبْشِرُوا بِبَيْعِكُمُ الَّذِي بَايَعْتُمْ بِهِ ۚ وَذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
Katotohanang si Allah ay bumili sa mga sumasampalataya ng kanilang buhay at kanilang mga ari-arian; sa halaga na mapapasakanila ang Paraiso. Sila ay nakikipaglaban sa Kapakanan ni Allah, kaya’t sila ay pumatay (sa iba) at sila rin ay napatay. Ito ay isang pangako sa Katotohanan na Kanyang pinangangatawanan sa Torah (mga Batas) at sa Ebanghelyo at sa Qur’an. At sino baga kaya ang higit na Makatotohanan sa kanyang Kasunduan kay Allah? Kaya’t magsipagsaya kayo sa bilihan (kasunduan) na inyong ginanap. At ito ang rurok ng tagumpay
التَّائِبُونَ الْعَابِدُونَ الْحَامِدُونَ السَّائِحُونَ الرَّاكِعُونَ السَّاجِدُونَ الْآمِرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَالنَّاهُونَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَالْحَافِظُونَ لِحُدُودِ اللَّهِ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ
(Ang buhay ng mga sumasampalataya na binili ni Allah) ay yaong mga nagtitika kay Allah (dahilan sa kanilang ginawang maling pagsamba sa mga diyus-diyosan, pagkukunwari, atbp.), sila na sumasamba sa Kanya, sila na nagpupuri sa Kanya, sila na nag-aayuno (o humahayo para sa kapakanan ni Allah), sila na yumuyukod (sa pananalangin), sila na nagtatagubilin (sa mga tao) sa Al-Ma’ruf (paniniwala sa Kaisahan ni Allah at pagsunod sa lahat ng mga ipinag-uutos sa Islam) at nagbabawal (sa mga tao) sa Al-Munkar (kawalan ng pananalig, pagsamba sa maraming diyus-diyosan at pag- iwas sa lahat ng mga ipinagbabawal sa Islam), at tumutupad sa mga hangganan na itinakda ni Allah (pagtupad sa lahat ng itinalaga ni Allah at pag-iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masamang gawa na ipinagbabawal ni Allah). At magbigay ng magandang balita sa mga sumasampalataya
مَا كَانَ لِلنَّبِيِّ وَالَّذِينَ آمَنُوا أَنْ يَسْتَغْفِرُوا لِلْمُشْرِكِينَ وَلَوْ كَانُوا أُولِي قُرْبَىٰ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمْ أَنَّهُمْ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ
Hindi isang katampatan sa Propeta at sa mga sumasampalataya na manawagan kay Allah tungo sa Kanyang kapatawaran para sa Mushrikun (mga mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.), kahima’t sila ay inyong kamag-anak, matapos na maging maliwanag sa kanila na sila ang magsisipanahan sa Apoy (sapagkat sila ay namatay sa kalagayan ng kawalan ng panananampalataya)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
