Surah At-Tahrim Ayahs #12 Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ جَاهِدِ الْكُفَّارَ وَالْمُنَافِقِينَ وَاغْلُظْ عَلَيْهِمْ ۚ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ
o Propeta(Muhammad)! Magsumikapkangmaigilaban sa mga hindi sumasampalataya at sa mga mapagkunwari, at maging matatag laban sa kanila. Ang kanilang pananahanan ay Impiyerno. Katotohanang pagkasama-sama ng gayong hantungan
ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا لِلَّذِينَ كَفَرُوا امْرَأَتَ نُوحٍ وَامْرَأَتَ لُوطٍ ۖ كَانَتَا تَحْتَ عَبْدَيْنِ مِنْ عِبَادِنَا صَالِحَيْنِ فَخَانَتَاهُمَا فَلَمْ يُغْنِيَا عَنْهُمَا مِنَ اللَّهِ شَيْئًا وَقِيلَ ادْخُلَا النَّارَ مَعَ الدَّاخِلِينَ
Si Allah ay nagturing ng isang halimbawa sa mga hindi sumasampalataya, ang asawa ni Noe at asawa ni Lut. Sila ay kapwa nasa pagtangkilik ng Aming matutuwid na Tagapaglingkod, datapuwa’t sila ay hindi tapat sa kanilang asawa (sa dahilang tinututulan nila ang kanilang pagtuturo), kaya’t sila (Noe at Lut) ay walang napakinabang (sa kanilang ginawa sa harapan ni Allah), at sila (asawa ni Noe at Lut) ay pinagsabihan: “Magsipasok (kayo) sa Apoy na kasama nila na nagsisipasok.”
وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا لِلَّذِينَ آمَنُوا امْرَأَتَ فِرْعَوْنَ إِذْ قَالَتْ رَبِّ ابْنِ لِي عِنْدَكَ بَيْتًا فِي الْجَنَّةِ وَنَجِّنِي مِنْ فِرْعَوْنَ وَعَمَلِهِ وَنَجِّنِي مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ
At si Allah ay nagturing ng isang halimmbawa sa mga sumasampalataya, ang asawa ni Paraon, nang siya ay manikluhod: “Aking Panginoon! Inyong ipagtayo ako ng isang Tahanan sa Halamanan na malapit sa Inyo at ako ay Inyong iligtas kay Paraon at sa kanyang gawa, at Inyong iligtas ako sa mga tao na Zalimun (mga mapaggawa ng kasamaan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig kay Allah)
وَمَرْيَمَ ابْنَتَ عِمْرَانَ الَّتِي أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهِ مِنْ رُوحِنَا وَصَدَّقَتْ بِكَلِمَاتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِ وَكَانَتْ مِنَ الْقَانِتِينَ
At si Maria, na anak na babae ni Imran na nangangalaga sa kanyang kalinisan (sa kapurihan); at Aming hiningahan (ang manggas ng kanyang damit) sa pamamagitan ng Aming ruh (alalaong baga, si Gabriel), at siya ay nagpatotoo sa katotohanan ng mga Salita ng kanyang Panginoon (alalaong baga, ang pagsampalataya sa Salita ni Allah: “Mangyari nga!”, ito si Hesus na anak ni Maria, bilang isang Tagapagbalita ni Allah), at gayundin (ang pagsampalataya) sa kanyang mga Kasulatan, siya ay isa sa mga Qanitin (matimtimang tagapaglingkod)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
