Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #22 Translated in Filipino

يَسْتَعْجِلُ بِهَا الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِهَا ۖ وَالَّذِينَ آمَنُوا مُشْفِقُونَ مِنْهَا وَيَعْلَمُونَ أَنَّهَا الْحَقُّ ۗ أَلَا إِنَّ الَّذِينَ يُمَارُونَ فِي السَّاعَةِ لَفِي ضَلَالٍ بَعِيدٍ
Sila na hindi nananalig dito ay naghahangad na madaliin ito, datapuwa’t ang mga sumasampalataya ay nangangamba rito, at nababatid nila na ito ang sukdol na Katotohanan. Katotohanan, ang mga nagtatalo-talo tungkol sa Takdang oras ay katiyakang nasa pagkaligaw na malayo
اللَّهُ لَطِيفٌ بِعِبَادِهِ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ ۖ وَهُوَ الْقَوِيُّ الْعَزِيزُ
Si Allah ang Pinakamapagbigay at Pinakamabuti sa Kanyang mga alipin; Siya ang nagtataguyod ng ikabubuhay ng sinumang Kanyang maibigan, at Siya ay Tigib ng Lakas, ang Ganap na Makapangyarihan
مَنْ كَانَ يُرِيدُ حَرْثَ الْآخِرَةِ نَزِدْ لَهُ فِي حَرْثِهِ ۖ وَمَنْ كَانَ يُرِيدُ حَرْثَ الدُّنْيَا نُؤْتِهِ مِنْهَا وَمَا لَهُ فِي الْآخِرَةِ مِنْ نَصِيبٍ
Sinumang magnais (sa pamamagitan ng kanyang mga gawa) ng gantimpala ng Kabilang Buhay, Kami ang nagbibigay ng dagdag sa kanyang gantimpala, at sinumang magnais ng gantimpala sa mundong ito (sa pamamagitan ng kanyang mga gawa), ibibigay din Namin ito sa kanya (kung anuman ang nasusulat sa kanya), datapuwa’t siya ay walang magiging bahagi sa Kabilang Buhay
أَمْ لَهُمْ شُرَكَاءُ شَرَعُوا لَهُمْ مِنَ الدِّينِ مَا لَمْ يَأْذَنْ بِهِ اللَّهُ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةُ الْفَصْلِ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۗ وَإِنَّ الظَّالِمِينَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Ano! Sila ba ay mayroong mga katambal kay Allah (mga huwad na diyus-diyosan), na nagtindig para sa kanila ng ibang pananampalataya na hindi pinahintulutan ni Allah? At kung hindi lamang sa Pag-uutos ng Katarungan, ang pangyayari ay malaon nang napagpasiyahan sa pagitan nila. Datapuwa’t katotohanan, ang Zalimun (mga tampalasan, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ay may kasakit-sakit na kaparusahan
تَرَى الظَّالِمِينَ مُشْفِقِينَ مِمَّا كَسَبُوا وَهُوَ وَاقِعٌ بِهِمْ ۗ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فِي رَوْضَاتِ الْجَنَّاتِ ۖ لَهُمْ مَا يَشَاءُونَ عِنْدَ رَبِّهِمْ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَضْلُ الْكَبِيرُ
Inyong mapagmamalas ang Zalimun (mga tampalasan, pagano, atbp.) sa (Araw ng Paghuhukom) na nasisindak sa pagsusulit sa kanilang kinita (pinagpaguran), at (ang bigat ng kaparusahan) ay katiyakang hahantong sa kanila. Datapuwa’t ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at nagsisigawa ng kabutihan ay mapapasa-hardin ng mga bulaklak (Paraiso), mapapasakanila ang lahat ng kanilang hilingin sa harapan ng kanilang Panginoon. Katiyakang ito ang Sukdol na Biyaya (Paraiso, mula kay Allah)

Choose other languages: