Quran Apps in many lanuages:

Surah As-Sajda Ayahs #25 Translated in Filipino

وَلَنُذِيقَنَّهُمْ مِنَ الْعَذَابِ الْأَدْنَىٰ دُونَ الْعَذَابِ الْأَكْبَرِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
At katotohanang hahayaan Namin na lasapin nila ang magaan na pagpaparusa (alalaong baga, ang kaparusahan sa mundong ito tulad ng mga kalamidad, kapinsalaan, atbp.) bago Namin ibigay ang kasaki-sakit na kaparusahan (sa Kabilang Buhay) upang sila ay (magtika) at magbalik loob (at tumanggap sa Islam)
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ ذُكِّرَ بِآيَاتِ رَبِّهِ ثُمَّ أَعْرَضَ عَنْهَا ۚ إِنَّا مِنَ الْمُجْرِمِينَ مُنْتَقِمُونَ
At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian kaysa sa kanya, na kung ang Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ng kanyang Panginoon ay ipinahahayag, siya ay tumatalilis palayo rito? Katotohanang sa Mujrimun (mga lumalabag sa kautusan, kriminal, walang pananampalataya, buktot, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp.), Aming igagawad sa kanila ang (ganap) na ganti
وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ فَلَا تَكُنْ فِي مِرْيَةٍ مِنْ لِقَائِهِ ۖ وَجَعَلْنَاهُ هُدًى لِبَنِي إِسْرَائِيلَ
Noon pang una, katiyakang Aming ibinigay ang Kasulatan (Torah, ang mga Batas) kay Moises; kaya’t huwag kang (Muhammad) mag-alinlangan na makakatagpo mo siya (alalaong baga, kung iyong makatagpo si Moises sa panahon ng Gabi ng Al-Isra at Al-Miraj sa ibabaw ng kalangitan); at ginawa Namin ito (ang Torah, ang mga Batas) na isang patnubay sa Angkan ng Israel
وَجَعَلْنَا مِنْهُمْ أَئِمَّةً يَهْدُونَ بِأَمْرِنَا لَمَّا صَبَرُوا ۖ وَكَانُوا بِآيَاتِنَا يُوقِنُونَ
At Aming hinirang sa karamihan nila (Angkan ng Israel) ang mga Pinuno na nagbibigay sa kanila ng mga patnubay sa ilalim ng Aming Pag-uutos, habang sila ay nagpupunyagi sa pagtitiyaga at patuloy na nananampalataya ng may katiyakan sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp)
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Katotohanan, ang iyong Panginoon ang hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sa mga bagay na kanilang pinagkahidwaan (sa kanilang mga sarili)

Choose other languages: