Quran Apps in many lanuages:

Surah As-Sajda Ayahs #28 Translated in Filipino

وَجَعَلْنَا مِنْهُمْ أَئِمَّةً يَهْدُونَ بِأَمْرِنَا لَمَّا صَبَرُوا ۖ وَكَانُوا بِآيَاتِنَا يُوقِنُونَ
At Aming hinirang sa karamihan nila (Angkan ng Israel) ang mga Pinuno na nagbibigay sa kanila ng mga patnubay sa ilalim ng Aming Pag-uutos, habang sila ay nagpupunyagi sa pagtitiyaga at patuloy na nananampalataya ng may katiyakan sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp)
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Katotohanan, ang iyong Panginoon ang hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sa mga bagay na kanilang pinagkahidwaan (sa kanilang mga sarili)
أَوَلَمْ يَهْدِ لَهُمْ كَمْ أَهْلَكْنَا مِنْ قَبْلِهِمْ مِنَ الْقُرُونِ يَمْشُونَ فِي مَسَاكِنِهِمْ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ ۖ أَفَلَا يَسْمَعُونَ
Ito baga ay hindi nagdudulot sa kanila ng aral; kung gaano karaming sali’t saling lahi ang Aming winasak noon, na una pa sa kanila, na ang kanilang mga tirahan ay kanilang dinadaan-daanan? Katotohanang naririto ang mga Tanda; hindi baga sila makikinig
أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا نَسُوقُ الْمَاءَ إِلَى الْأَرْضِ الْجُرُزِ فَنُخْرِجُ بِهِ زَرْعًا تَأْكُلُ مِنْهُ أَنْعَامُهُمْ وَأَنْفُسُهُمْ ۖ أَفَلَا يُبْصِرُونَ
At hindi baga nila napagmamasdan na Aming itinataboy ang tubig (mga ulap na nagdadala ng ulan) sa tigang na lupa (na hubad sa halaman), at pinatutubo Namin dito ang pananim, na nagsisilbing pagkain sa kanila at sa kanilang hayupan (bakahan)? wala ba silang paningin
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْفَتْحُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Sila ay nagsasabi: “Hanggang kailan ang Pagpapasyang ito (sa pagitan namin at sa iyo, alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan?”

Choose other languages: