Quran Apps in many lanuages:

Surah As-Sajda Ayahs #20 Translated in Filipino

تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمْ عَنِ الْمَضَاجِعِ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ خَوْفًا وَطَمَعًا وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ
Iniiwan nila ang kanilang mga higaan, na nananalangin sa pangangamba at pag-asa; at gumugugol sila sa kawanggawa (tungo sa kapakanan ni Allah) mula sa biyaya na Aming ipinagkaloob sa kanila
فَلَا تَعْلَمُ نَفْسٌ مَا أُخْفِيَ لَهُمْ مِنْ قُرَّةِ أَعْيُنٍ جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Ngayon, walang sinuman ang nakakaalam sa kaligayahan (ng paningin) na inilingid (bilang panlaan) sa kanila, isang gantimpala sa kanilang (mabubuting) gawa
أَفَمَنْ كَانَ مُؤْمِنًا كَمَنْ كَانَ فَاسِقًا ۚ لَا يَسْتَوُونَ
Siya kaya na isang nananampalataya ay katulad niya na isang Fasiq (walang pananampalataya at palasuway kay Allah)? Sila ay hindi magkatulad
أَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَلَهُمْ جَنَّاتُ الْمَأْوَىٰ نُزُلًا بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng katuwiran at kabutihan, sasakanila ang mga Halamanan (Paraiso) bilang maasikasong tahanan dahilan sa kanilang (mabubuting) gawa
وَأَمَّا الَّذِينَ فَسَقُوا فَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۖ كُلَّمَا أَرَادُوا أَنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا أُعِيدُوا فِيهَا وَقِيلَ لَهُمْ ذُوقُوا عَذَابَ النَّارِ الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تُكَذِّبُونَ
At sa kanila na Fasiqun (mga walang pananalig, palasuway kay Allah, buktot, atbp.) ang kanilang tirahan ay Apoy; sa bawat sandaling naisin nila na makalayo rito, sila ay sapilitang ibabalik dito, at sa kanila ay ipagbabadya: “Lasapin ninyo ang kaparusahan ng Apoy, ang bagay na inyong itinatakwil bilang huwad.”

Choose other languages: