Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rahman Ayahs #43 Translated in Filipino

فَيَوْمَئِذٍ لَا يُسْأَلُ عَنْ ذَنْبِهِ إِنْسٌ وَلَا جَانٌّ
Sa Araw na yaon, ang Tao maging ang Jinn ay hindi tatanungin sa kanyang kasalanan (sapagkat ito ay natukoy na sa kulay ng kanilang mukha, kung ito ay itim o puti)
فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (o mga Jinn at Tao)
يُعْرَفُ الْمُجْرِمُونَ بِسِيمَاهُمْ فَيُؤْخَذُ بِالنَّوَاصِي وَالْأَقْدَامِ
Ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp.) ay makikilala sa kanilang mga tanda (maiitim na mukha), at sila ay sasakmalin sa kanilang nakalawit at natataliang buhok (sa noo) at sa kanilang mga paa
فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)
هَٰذِهِ جَهَنَّمُ الَّتِي يُكَذِّبُ بِهَا الْمُجْرِمُونَ
Ito ang Impiyerno na itinanggi ng Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp)

Choose other languages: