Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rad Ayahs #8 Translated in Filipino

وَفِي الْأَرْضِ قِطَعٌ مُتَجَاوِرَاتٌ وَجَنَّاتٌ مِنْ أَعْنَابٍ وَزَرْعٌ وَنَخِيلٌ صِنْوَانٌ وَغَيْرُ صِنْوَانٍ يُسْقَىٰ بِمَاءٍ وَاحِدٍ وَنُفَضِّلُ بَعْضَهَا عَلَىٰ بَعْضٍ فِي الْأُكُلِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
At sa kalupaan ay may magkakadatig na malawak na landas, at mga halamanan na nagsisigapang, at mga bukiring natatamnan ng mais, at mga palmera, na sumisibol sa dalawa o tatlo mula sa isang punong ugat o isang sibol sa iisang ugat, na dinidiligan ng magkatulad (o parehong) tubig, magkagayunman, ang iba sa kanila ay ginawa Naming higit na mainam na kainin kaysa iba. Katotohanan, sa ganitong mga bagay ay may Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa mga tao na nakakaunawa
وَإِنْ تَعْجَبْ فَعَجَبٌ قَوْلُهُمْ أَإِذَا كُنَّا تُرَابًا أَإِنَّا لَفِي خَلْقٍ جَدِيدٍ ۗ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ الْأَغْلَالُ فِي أَعْنَاقِهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
At kung ikaw (o Muhammad) ay nanggigilalas (sa kahungkagan ng paniniwala ng mga mapagsamba sa diyus- diyosan, na nagtatakwil sa mensahe ng Kaisahan ni Allah at sa Islam, at nagturing sa mga iba sa pagsamba maliban pa kay Allah), kung gayon, higit na kataka-taka ang kanilang sinasabi: “Kung kami ba ay maging alabok na, katotohanang bang kami ay bubuhaying muli sa bagong (ibang) paglikha?” Sila nga ang hindi sumasampalataya sa kanilang Panginoon! Sila nga ang magkakaroon ng kadenang bakal na tatali sa kanilang mga kamay at nakakabit sa kanilang leeg. Sila ang magsisipanirahan sa Apoy upang manatili rito magpakailanman
وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِالسَّيِّئَةِ قَبْلَ الْحَسَنَةِ وَقَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهِمُ الْمَثُلَاتُ ۗ وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغْفِرَةٍ لِلنَّاسِ عَلَىٰ ظُلْمِهِمْ ۖ وَإِنَّ رَبَّكَ لَشَدِيدُ الْعِقَابِ
Sila ay nagtatanong sa iyo na madaliin ang kasamaan bago ang kabutihan, kahit na ang mga babalang parusa ay tunay na sumapit na sa kanila. Datapuwa’t katotohanan, ang iyong Panginoon ay Puspos ng Pagpapatawad sa sangkatauhan kahima’t sila ay mapaggawa ng kamalian. At katotohanan, ang iyong Panginoon ay Mahigpit (din) sa pagpaparusa
وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۗ إِنَّمَا أَنْتَ مُنْذِرٌ ۖ وَلِكُلِّ قَوْمٍ هَادٍ
At ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Bakit kaya wala ni isa mang Tanda ang ipinanaog sa kanya mula sa kanyang Panginoon?” Ikaw ay isa lamang tagapagbabala, at sa bawat mga tao (pamayanan) ay may isang namamatnubay
اللَّهُ يَعْلَمُ مَا تَحْمِلُ كُلُّ أُنْثَىٰ وَمَا تَغِيضُ الْأَرْحَامُ وَمَا تَزْدَادُ ۖ وَكُلُّ شَيْءٍ عِنْدَهُ بِمِقْدَارٍ
Nababatid ni Allah ang isinisilang ng bawat babae, at kung gaano ang kulang o labis (sa oras at bilang) ng mga sinapupunan. Ang lahat ng bagay sa Kanya ay nasa ganap (angkop) na sukat

Choose other languages: