Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nur Ayahs #47 Translated in Filipino

أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُزْجِي سَحَابًا ثُمَّ يُؤَلِّفُ بَيْنَهُ ثُمَّ يَجْعَلُهُ رُكَامًا فَتَرَى الْوَدْقَ يَخْرُجُ مِنْ خِلَالِهِ وَيُنَزِّلُ مِنَ السَّمَاءِ مِنْ جِبَالٍ فِيهَا مِنْ بَرَدٍ فَيُصِيبُ بِهِ مَنْ يَشَاءُ وَيَصْرِفُهُ عَنْ مَنْ يَشَاءُ ۖ يَكَادُ سَنَا بَرْقِهِ يَذْهَبُ بِالْأَبْصَارِ
Hindi baga ninyo namamasdan na si Allah ang nagpapausad sa mga ulap ng malumanay, at pinagsasama ang mga ito, at ginagawa ito na patong-patong, at inyong namamasdan ang ulan ay namamalisbis sa pagitan nito. At Kanyang ipinapanaog mula sa alapaap ang mga ulan (ng namumuong tubig) na (tulad) ng mga kabundukan, at ibinubuhos Niya ito sa sinumang Kanyang maibigan, at nagpapahupa nito sa sinumang Kanyang naisin. Ang maliwanag na salipadpad ng kanyang (mga ulap), ang kidlat ay halos makabulag ng paningin
يُقَلِّبُ اللَّهُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِأُولِي الْأَبْصَارِ
Si Allah ang nakakapangyari sa gabi at araw upang magsunuran (magsalitan, alalaong baga, darating ang gabi pagkatapos ng umaga, at darating ang umaga pagkatapos ng gabi). Katotohanan, sa mga bagay na ito ay may isang aral sa mga may pangmasid
وَاللَّهُ خَلَقَ كُلَّ دَابَّةٍ مِنْ مَاءٍ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ بَطْنِهِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ رِجْلَيْنِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ أَرْبَعٍ ۚ يَخْلُقُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Si Allah ang lumikha nang lahat ng gumagalaw (buhay) na bagay mula sa tubig. Sa karamihan nila, may mga iba na gumagapang sa kanilang tiyan, ang iba ay lumalakad sa dalawang paa, at ang iba ay lumalakad sa apat. Si Allah ay lumilikha ng Kanyang naisin. Katotohanan! Si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay
لَقَدْ أَنْزَلْنَا آيَاتٍ مُبَيِّنَاتٍ ۚ وَاللَّهُ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Katotohanang ipinanaog Namin (sa Qur’an) ang nagliliwanag naAyat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.). At si Allah ang namamatnubay sa Matuwid na Landas sa sinumang Kanyang maibigan (alalaong baga, sa pananampalataya ni Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam)
وَيَقُولُونَ آمَنَّا بِاللَّهِ وَبِالرَّسُولِ وَأَطَعْنَا ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٌ مِنْهُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا أُولَٰئِكَ بِالْمُؤْمِنِينَ
(Ang mga mapagpaimbabaw) ay nagsasabi: “Kami ay sumampalataya kay Allah at sa Tagapagbalita (Muhammad), at kami ay tumatalima”, ngunit ang isang pangkat sa lipon nila ay tumatalikod, sila ang mga hindi sumasampalataya

Choose other languages: