Surah An-Nur Ayahs #48 Translated in Filipino
يُقَلِّبُ اللَّهُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِأُولِي الْأَبْصَارِ
Si Allah ang nakakapangyari sa gabi at araw upang magsunuran (magsalitan, alalaong baga, darating ang gabi pagkatapos ng umaga, at darating ang umaga pagkatapos ng gabi). Katotohanan, sa mga bagay na ito ay may isang aral sa mga may pangmasid
وَاللَّهُ خَلَقَ كُلَّ دَابَّةٍ مِنْ مَاءٍ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ بَطْنِهِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ رِجْلَيْنِ وَمِنْهُمْ مَنْ يَمْشِي عَلَىٰ أَرْبَعٍ ۚ يَخْلُقُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Si Allah ang lumikha nang lahat ng gumagalaw (buhay) na bagay mula sa tubig. Sa karamihan nila, may mga iba na gumagapang sa kanilang tiyan, ang iba ay lumalakad sa dalawang paa, at ang iba ay lumalakad sa apat. Si Allah ay lumilikha ng Kanyang naisin. Katotohanan! Si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay
لَقَدْ أَنْزَلْنَا آيَاتٍ مُبَيِّنَاتٍ ۚ وَاللَّهُ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Katotohanang ipinanaog Namin (sa Qur’an) ang nagliliwanag naAyat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.). At si Allah ang namamatnubay sa Matuwid na Landas sa sinumang Kanyang maibigan (alalaong baga, sa pananampalataya ni Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam)
وَيَقُولُونَ آمَنَّا بِاللَّهِ وَبِالرَّسُولِ وَأَطَعْنَا ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٌ مِنْهُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا أُولَٰئِكَ بِالْمُؤْمِنِينَ
(Ang mga mapagpaimbabaw) ay nagsasabi: “Kami ay sumampalataya kay Allah at sa Tagapagbalita (Muhammad), at kami ay tumatalima”, ngunit ang isang pangkat sa lipon nila ay tumatalikod, sila ang mga hindi sumasampalataya
وَإِذَا دُعُوا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ إِذَا فَرِيقٌ مِنْهُمْ مُعْرِضُونَ
At kung sila ay inaanyayahan kay Allah (alalaong baga, sa Kanyang mga Salita, sa Qur’an) at sa Kanyang Tagapagbalita, upang humatol sa pagitan nila, pagmasdan!, ang isang pangkat sa lipon nila ay tumatanggi (na lumapit) at lumalayo
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
