Surah An-Nur Ayahs #38 Translated in Filipino
وَلَقَدْ أَنْزَلْنَا إِلَيْكُمْ آيَاتٍ مُبَيِّنَاتٍ وَمَثَلًا مِنَ الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلِكُمْ وَمَوْعِظَةً لِلْمُتَّقِينَ
At katotohanang ipinanaog Namin sa inyo ang Ayat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.) na nagsasaad upang maging malinaw ang lahat, at ang halimbawa ng (mga tao) na pumanaw nang una pa sa inyo, at bilang isang paala-ala sa Muttaqun (mga matatapat at matimtimang tao na lubos na nangangamba kay Allah, na umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal at labis na nagmamahal kay Allah, at nagsasagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos)
اللَّهُ نُورُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ مَثَلُ نُورِهِ كَمِشْكَاةٍ فِيهَا مِصْبَاحٌ ۖ الْمِصْبَاحُ فِي زُجَاجَةٍ ۖ الزُّجَاجَةُ كَأَنَّهَا كَوْكَبٌ دُرِّيٌّ يُوقَدُ مِنْ شَجَرَةٍ مُبَارَكَةٍ زَيْتُونَةٍ لَا شَرْقِيَّةٍ وَلَا غَرْبِيَّةٍ يَكَادُ زَيْتُهَا يُضِيءُ وَلَوْ لَمْ تَمْسَسْهُ نَارٌ ۚ نُورٌ عَلَىٰ نُورٍ ۗ يَهْدِي اللَّهُ لِنُورِهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَيَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ لِلنَّاسِ ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Si Allah ang Liwanag ng kalangitan at kalupaan. Ang kahambing ng Kanyang Liwanag ay katulad (ng wari ba ay) mayroong isang lumbo at sa loob nito ay mayroong ilawan, ang ilawan ay nasa loob ng isang salamin, ang salamin ay tila ba isang maningning na bituin, na sinindihan mula sa pinagpalang puno, isang oliba, hindi mula sa silangan (alalaong baga, hindi ito kumukuha ng liwanag ng araw lamang sa umaga), gayundin, hindi mula sa kanluran (alalaong baga, hindi ito kumukuha ng liwanag ng araw lamang sa hapon, bagkus ito ay nakalantad sa araw sa buong maghapon), na ang (kanyang) langis ay mangyayaring magpatuloy na mag-apoy (magningning) [mula sa kanyang sarili], bagama’t walang apoy ang nagsisindi rito. Liwanag mula sa Liwanag! Si Allah ang namamatnubay sa Kanyang Liwanag sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ay nagpapamalas ng mga paghahambing sa sangkatauhan, at si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay
فِي بُيُوتٍ أَذِنَ اللَّهُ أَنْ تُرْفَعَ وَيُذْكَرَ فِيهَا اسْمُهُ يُسَبِّحُ لَهُ فِيهَا بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ
Sa mga tahanan (moske) na ipinag-utos ni Allah na itindig, na linisin at parangalan, sa mga ito, ang Kanyang Pangalan ay niluluwalhati sa maraming umaga, sa maraming hapon, at sa maraming gabi
رِجَالٌ لَا تُلْهِيهِمْ تِجَارَةٌ وَلَا بَيْعٌ عَنْ ذِكْرِ اللَّهِ وَإِقَامِ الصَّلَاةِ وَإِيتَاءِ الزَّكَاةِ ۙ يَخَافُونَ يَوْمًا تَتَقَلَّبُ فِيهِ الْقُلُوبُ وَالْأَبْصَارُ
Ng mga tao, na ang kalakal at pagtitinda ay hindi nakakapagpalimot sa kanila sa Pag- aala-ala kay Allah (sa kanilang dila at puso), gayundin sa pag-aalay ng takdang panalangin (Salah) nang mahinusay, at sa pagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa). Sila ay nangangamba sa Araw na ang mga puso at mga mata ay mababaligtad (sa sindak ng Kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
لِيَجْزِيَهُمُ اللَّهُ أَحْسَنَ مَا عَمِلُوا وَيَزِيدَهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ
Upang sila ay magantimpalaan ni Allah ayon sa kagalingan ng kanilang mga gawa, at higit pa (Niyang) dagdagan (ang mga ito sa kanila) mula sa Kanyang Biyaya. At si Allah ay nagkakaloob ng walang sukat sa sinumang Kanyang naisin
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
