Surah An-Nur Ayahs #41 Translated in Filipino
رِجَالٌ لَا تُلْهِيهِمْ تِجَارَةٌ وَلَا بَيْعٌ عَنْ ذِكْرِ اللَّهِ وَإِقَامِ الصَّلَاةِ وَإِيتَاءِ الزَّكَاةِ ۙ يَخَافُونَ يَوْمًا تَتَقَلَّبُ فِيهِ الْقُلُوبُ وَالْأَبْصَارُ
Ng mga tao, na ang kalakal at pagtitinda ay hindi nakakapagpalimot sa kanila sa Pag- aala-ala kay Allah (sa kanilang dila at puso), gayundin sa pag-aalay ng takdang panalangin (Salah) nang mahinusay, at sa pagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa). Sila ay nangangamba sa Araw na ang mga puso at mga mata ay mababaligtad (sa sindak ng Kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
لِيَجْزِيَهُمُ اللَّهُ أَحْسَنَ مَا عَمِلُوا وَيَزِيدَهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ
Upang sila ay magantimpalaan ni Allah ayon sa kagalingan ng kanilang mga gawa, at higit pa (Niyang) dagdagan (ang mga ito sa kanila) mula sa Kanyang Biyaya. At si Allah ay nagkakaloob ng walang sukat sa sinumang Kanyang naisin
وَالَّذِينَ كَفَرُوا أَعْمَالُهُمْ كَسَرَابٍ بِقِيعَةٍ يَحْسَبُهُ الظَّمْآنُ مَاءً حَتَّىٰ إِذَا جَاءَهُ لَمْ يَجِدْهُ شَيْئًا وَوَجَدَ اللَّهَ عِنْدَهُ فَوَفَّاهُ حِسَابَهُ ۗ وَاللَّهُ سَرِيعُ الْحِسَابِ
At sa mga hindi sumasampalataya, ang kanilang mga gawa ay katulad ng mirahe (huwad na tubigan) sa disyerto. Ang (isang) nauuhaw ay nag-aakala na ito ay tubig, hanggang ito ay kanyang sapitin, at wala siyang natagpuan doon, datapuwa’t nasumpungan niya si Allah, na Siyang magbabayad ng sa kanya ay nakalaan (Impiyerno). At si Allah ay Maagap sa Pagsusulit
أَوْ كَظُلُمَاتٍ فِي بَحْرٍ لُجِّيٍّ يَغْشَاهُ مَوْجٌ مِنْ فَوْقِهِ مَوْجٌ مِنْ فَوْقِهِ سَحَابٌ ۚ ظُلُمَاتٌ بَعْضُهَا فَوْقَ بَعْضٍ إِذَا أَخْرَجَ يَدَهُ لَمْ يَكَدْ يَرَاهَا ۗ وَمَنْ لَمْ يَجْعَلِ اللَّهُ لَهُ نُورًا فَمَا لَهُ مِنْ نُورٍ
o (ang katatayuan ng isang hindi sumasampalataya) ay nakakatulad ng kadiliman sa malawak at malalim na karagatan, na nagulantang sa malaking alon na pinaibabawan pa ng higit na malaking alon, na pinaiibabawan ng maiitim na ulap, kadiliman na patong-patong, kung ang isang tao ay mag-uunat ng kanyang kamay, hindi niya ito mababanaagan! At siya na hindi ginawaran ni Allah ng liwanag, sa kanya ay walang magiging liwanag
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُسَبِّحُ لَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَالطَّيْرُ صَافَّاتٍ ۖ كُلٌّ قَدْ عَلِمَ صَلَاتَهُ وَتَسْبِيحَهُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِمَا يَفْعَلُونَ
Hindi mo ba namamasdan (O Muhammad) na si Allah, Siya ang Tanging niluluwalhati ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan, at ng mga ibon na nakabukas ang kanilang mga pakpak (sa kanilang paglipad). Sa bawat isa sa kanila, talastas ni Allah ang kanilang bawat dasal at pagpupuri, at si Allah ang Nakakabatid ng lahat nilang ginagawa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
