Surah An-Nisa Ayahs #79 Translated in Filipino
وَمَا لَكُمْ لَا تُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَالْمُسْتَضْعَفِينَ مِنَ الرِّجَالِ وَالنِّسَاءِ وَالْوِلْدَانِ الَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا أَخْرِجْنَا مِنْ هَٰذِهِ الْقَرْيَةِ الظَّالِمِ أَهْلُهَا وَاجْعَلْ لَنَا مِنْ لَدُنْكَ وَلِيًّا وَاجْعَلْ لَنَا مِنْ لَدُنْكَ نَصِيرًا
At ano ba ang mali sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa Kapakanan ni Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan ng masama at inaalipusta sa lipon ng kalalakihan, kababaihan, at mga bata, na ang panambitan ay: “Aming Panginoon! Kami ay iligtas Ninyo sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api; at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makakapangalaga, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makakatulong.”
الَّذِينَ آمَنُوا يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ الطَّاغُوتِ فَقَاتِلُوا أَوْلِيَاءَ الشَّيْطَانِ ۖ إِنَّ كَيْدَ الشَّيْطَانِ كَانَ ضَعِيفًا
Ang mga sumasampalataya ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ni Allah, at sila na mga hindi sumasampalataya ay nakikipaglaban tungo sa kapakanan ng Taghut (Satanas, diyus-diyosan, atbp.). Kaya’t makipagtunggali kayo laban sa mga kapanalig ni Satanas. Tunay na laging mahina ang mga pakana ni Satanas
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ قِيلَ لَهُمْ كُفُّوا أَيْدِيَكُمْ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيْهِمُ الْقِتَالُ إِذَا فَرِيقٌ مِنْهُمْ يَخْشَوْنَ النَّاسَ كَخَشْيَةِ اللَّهِ أَوْ أَشَدَّ خَشْيَةً ۚ وَقَالُوا رَبَّنَا لِمَ كَتَبْتَ عَلَيْنَا الْقِتَالَ لَوْلَا أَخَّرْتَنَا إِلَىٰ أَجَلٍ قَرِيبٍ ۗ قُلْ مَتَاعُ الدُّنْيَا قَلِيلٌ وَالْآخِرَةُ خَيْرٌ لِمَنِ اتَّقَىٰ وَلَا تُظْلَمُونَ فَتِيلًا
Hindibaganinyonapagmamalassilanapinagsabihanna pigilan nila ang kanilang mga kamay (sa pakikipagtunggali at sila ay mag-alay ng lubos na panalangin), at magkaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa). Datapuwa’t kung ang pakikipaglaban ay ipinag-utos na sa kanila, inyong pagmasdan! Ang isang bahagi nila ay nangangamba sa mga tao na katulad ng pangangamba nila kay Allah, at kung minsan ay higit pa. Sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Bakit Ninyo ipinag-utos sa amin ang pakikipaglaban? Kami baga ay hindi Ninyo bibigyan ng palugit kahit na sa maikling panahon? Ipagbadya: “Tunay na maikli ang paglilibang sa mundong ito. Ang Kabilang Buhay ay higit na mainam sa kanya na may pangangamba kay Allah, at kayo ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan kahit na katumbas ng Fatila (isang hibla ng balat ng buto ng palmera [datiles)
أَيْنَمَا تَكُونُوا يُدْرِكْكُمُ الْمَوْتُ وَلَوْ كُنْتُمْ فِي بُرُوجٍ مُشَيَّدَةٍ ۗ وَإِنْ تُصِبْهُمْ حَسَنَةٌ يَقُولُوا هَٰذِهِ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ يَقُولُوا هَٰذِهِ مِنْ عِنْدِكَ ۚ قُلْ كُلٌّ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ۖ فَمَالِ هَٰؤُلَاءِ الْقَوْمِ لَا يَكَادُونَ يَفْقَهُونَ حَدِيثًا
“Kahit nasaan pa man kayo, ang kamatayan ay mananaig sa inyo kahima’t kayo ay nasa kanlungan na matatag at mataas!” At kung ang ilang kabutihan ay dumatal sa kanila, sila ay nagsasabi, “Ito ay mula kay Allah,” datapuwa’t kung ang ilang kasamaan ay sumapit sa kanila, sila ay nagsasabi, “Ito ay mula sa iyo (o Muhammad),” kaya’t ano ba ang mali sa ganitong mga tao na hindi nakakaunawa ng anumang salita
مَا أَصَابَكَ مِنْ حَسَنَةٍ فَمِنَ اللَّهِ ۖ وَمَا أَصَابَكَ مِنْ سَيِّئَةٍ فَمِنْ نَفْسِكَ ۚ وَأَرْسَلْنَاكَ لِلنَّاسِ رَسُولًا ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا
Ang anumang mabuti na dumatal sa inyo ay mula kay Allah, datapuwa’t kung anumang masama ang sumapit sa inyo, ito ay mula sa inyong sarili. At ikaw (o Muhammad) ay isinugo Namin bilang isang Tagapagbalita sa sangkatauhan, at si Allah ay sapat na bilang isang Saksi
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
