Surah An-Nisa Ayahs #81 Translated in Filipino
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ قِيلَ لَهُمْ كُفُّوا أَيْدِيَكُمْ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيْهِمُ الْقِتَالُ إِذَا فَرِيقٌ مِنْهُمْ يَخْشَوْنَ النَّاسَ كَخَشْيَةِ اللَّهِ أَوْ أَشَدَّ خَشْيَةً ۚ وَقَالُوا رَبَّنَا لِمَ كَتَبْتَ عَلَيْنَا الْقِتَالَ لَوْلَا أَخَّرْتَنَا إِلَىٰ أَجَلٍ قَرِيبٍ ۗ قُلْ مَتَاعُ الدُّنْيَا قَلِيلٌ وَالْآخِرَةُ خَيْرٌ لِمَنِ اتَّقَىٰ وَلَا تُظْلَمُونَ فَتِيلًا
Hindibaganinyonapagmamalassilanapinagsabihanna pigilan nila ang kanilang mga kamay (sa pakikipagtunggali at sila ay mag-alay ng lubos na panalangin), at magkaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa). Datapuwa’t kung ang pakikipaglaban ay ipinag-utos na sa kanila, inyong pagmasdan! Ang isang bahagi nila ay nangangamba sa mga tao na katulad ng pangangamba nila kay Allah, at kung minsan ay higit pa. Sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Bakit Ninyo ipinag-utos sa amin ang pakikipaglaban? Kami baga ay hindi Ninyo bibigyan ng palugit kahit na sa maikling panahon? Ipagbadya: “Tunay na maikli ang paglilibang sa mundong ito. Ang Kabilang Buhay ay higit na mainam sa kanya na may pangangamba kay Allah, at kayo ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan kahit na katumbas ng Fatila (isang hibla ng balat ng buto ng palmera [datiles)
أَيْنَمَا تَكُونُوا يُدْرِكْكُمُ الْمَوْتُ وَلَوْ كُنْتُمْ فِي بُرُوجٍ مُشَيَّدَةٍ ۗ وَإِنْ تُصِبْهُمْ حَسَنَةٌ يَقُولُوا هَٰذِهِ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ يَقُولُوا هَٰذِهِ مِنْ عِنْدِكَ ۚ قُلْ كُلٌّ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ۖ فَمَالِ هَٰؤُلَاءِ الْقَوْمِ لَا يَكَادُونَ يَفْقَهُونَ حَدِيثًا
“Kahit nasaan pa man kayo, ang kamatayan ay mananaig sa inyo kahima’t kayo ay nasa kanlungan na matatag at mataas!” At kung ang ilang kabutihan ay dumatal sa kanila, sila ay nagsasabi, “Ito ay mula kay Allah,” datapuwa’t kung ang ilang kasamaan ay sumapit sa kanila, sila ay nagsasabi, “Ito ay mula sa iyo (o Muhammad),” kaya’t ano ba ang mali sa ganitong mga tao na hindi nakakaunawa ng anumang salita
مَا أَصَابَكَ مِنْ حَسَنَةٍ فَمِنَ اللَّهِ ۖ وَمَا أَصَابَكَ مِنْ سَيِّئَةٍ فَمِنْ نَفْسِكَ ۚ وَأَرْسَلْنَاكَ لِلنَّاسِ رَسُولًا ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا
Ang anumang mabuti na dumatal sa inyo ay mula kay Allah, datapuwa’t kung anumang masama ang sumapit sa inyo, ito ay mula sa inyong sarili. At ikaw (o Muhammad) ay isinugo Namin bilang isang Tagapagbalita sa sangkatauhan, at si Allah ay sapat na bilang isang Saksi
مَنْ يُطِعِ الرَّسُولَ فَقَدْ أَطَاعَ اللَّهَ ۖ وَمَنْ تَوَلَّىٰ فَمَا أَرْسَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ حَفِيظًا
Siya na tumatalima sa Tagapagbalita (Muhammad), ay katotohanang tumatalima kay Allah, datapuwa’t siya na tumatalikdan, kung gayon, ikaw (o Muhammad) ay hindi Namin isinugo upang maging tagapagbantay nila
وَيَقُولُونَ طَاعَةٌ فَإِذَا بَرَزُوا مِنْ عِنْدِكَ بَيَّتَ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ غَيْرَ الَّذِي تَقُولُ ۖ وَاللَّهُ يَكْتُبُ مَا يُبَيِّتُونَ ۖ فَأَعْرِضْ عَنْهُمْ وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا
Sila ay nagsasabi: “Kami ay tumatalima,” subalit kung ikaw (O Muhammad) ay kanila nang iwan, may isang pangkat sa kanila na ginugugol ang gabi sa pagbabalak ng iba sa iyong sinasabi. Datapuwa’t si Allah ay nagtatala ng kanilang gabi-gabing (pagbabalak). Kaya’t talikdan mo sila (huwag mo silang parusahan), at ilagay mo ang iyong pagtitiwala kay Allah. At si Allah ay Lalagi nang may Kasapatan bilang Tagapamahala ng mga pangyayari
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
