Surah An-Nisa Ayahs #41 Translated in Filipino
الَّذِينَ يَبْخَلُونَ وَيَأْمُرُونَ النَّاسَ بِالْبُخْلِ وَيَكْتُمُونَ مَا آتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَأَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا
Sila na mga kuripot at nag-uudyok din sa iba na maging kuripot, at nagtatago ng mga biyaya na sa kanila ay ipinagkaloob ni Allah, at Aming inihanda sa mga walang pananampalataya ang kaaba-abang kaparusahan
وَالَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ رِئَاءَ النَّاسِ وَلَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَلَا بِالْيَوْمِ الْآخِرِ ۗ وَمَنْ يَكُنِ الشَّيْطَانُ لَهُ قَرِينًا فَسَاءَ قَرِينًا
At (gayundin) ang mga gumugugol ng kanilang kayamanan upang mamalas lamang ng mga tao at hindi sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw (sila ang mga kaibigan ni Satanas), at sinumang pumili kay Satanas bilang kapalagayan; kung gayon, (pagmasdan) kung gaano siya kakila-kilabot na kasama
وَمَاذَا عَلَيْهِمْ لَوْ آمَنُوا بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَأَنْفَقُوا مِمَّا رَزَقَهُمُ اللَّهُ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِهِمْ عَلِيمًا
At ano ba ang mawawala (o kasahulan) sa kanila kung sila ay manampalataya kay Allah at sa Huling Araw, at sila ay gumugol mula sa kayamanan na ipinagkaloob sa kanila ni Allah? At si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nakakaalam sa kanila
إِنَّ اللَّهَ لَا يَظْلِمُ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ ۖ وَإِنْ تَكُ حَسَنَةً يُضَاعِفْهَا وَيُؤْتِ مِنْ لَدُنْهُ أَجْرًا عَظِيمًا
Katotohanang si Allah ay hindi kailanman nawalan ng katarungan kahit na katiting lamang; kung anumang mabuti (ang nagawa), ito ay Kanyang pinag-iibayo ng dalawang ulit, at Siya ay nagkakaloob ng malaking gantimpala
فَكَيْفَ إِذَا جِئْنَا مِنْ كُلِّ أُمَّةٍ بِشَهِيدٍ وَجِئْنَا بِكَ عَلَىٰ هَٰؤُلَاءِ شَهِيدًا
Paano kaya (kung gayon), kung Kami ay magpadala mula sa bawat pamayanan (bansa) ng isang saksi at ikaw (o Muhammad) ay ipadala Namin bilang isang saksi laban sa mga taong ito
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
