Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #167 Translated in Filipino

إِنَّا أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ كَمَا أَوْحَيْنَا إِلَىٰ نُوحٍ وَالنَّبِيِّينَ مِنْ بَعْدِهِ ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَعِيسَىٰ وَأَيُّوبَ وَيُونُسَ وَهَارُونَ وَسُلَيْمَانَ ۚ وَآتَيْنَا دَاوُودَ زَبُورًا
Katotohanang ikaw (O Muhammad) ay binigyan Namin ng inspirasyon, kung paano rin (naman) Namin binigyan ng inspirasyon si Noe at ang mga Propeta na sumunod sa kanya. Amin (ding) binigyan ng inspirasyon si Abraham, Ismael, Isaac, Hakob, at Al-Asbat (ang labingdalawang anak ni Hakob), si Hesus, Job, Jonas, Aaron, at Solomon, at kay david ay Aming iginawad ang Salmo
وَرُسُلًا قَدْ قَصَصْنَاهُمْ عَلَيْكَ مِنْ قَبْلُ وَرُسُلًا لَمْ نَقْصُصْهُمْ عَلَيْكَ ۚ وَكَلَّمَ اللَّهُ مُوسَىٰ تَكْلِيمًا
AtsamgaTagapagbalita naAmingbinanggitsaiyonoong una, at sa mga Tagapagbalita na hindi Namin nabanggit sa iyo, at kay Moises, si Allah ay tuwirang nangusap
رُسُلًا مُبَشِّرِينَ وَمُنْذِرِينَ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَى اللَّهِ حُجَّةٌ بَعْدَ الرُّسُلِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا
Mga Tagapagbalita na nagbigay ng magagandang pahayag gayundin ng babala upang ang sangkatauhan ay wala nang maipangatwiran laban kay Allah, matapos ang mga Tagapagbalita (ay isugo). At si Allah ay Lalagi nang Puspos ng Kapangyarihan, ang Tigib ng Kaalaman
لَٰكِنِ اللَّهُ يَشْهَدُ بِمَا أَنْزَلَ إِلَيْكَ ۖ أَنْزَلَهُ بِعِلْمِهِ ۖ وَالْمَلَائِكَةُ يَشْهَدُونَ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا
Datapuwa’t si Allah ang nagpapatotoo sa bagay na Kanyang ipinadala (ang Qur’an) sa iyo (O Muhammad), at Kanyang ipinanaog ito sa Kanyang Karunungan, at ang mga anghel ay nagpapatotoo (rin). At si Allah ay Ganap at Sapat na bilang isang Saksi
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ قَدْ ضَلُّوا ضَلَالًا بَعِيدًا
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya (sa pamamagitan ng pagkukubli sa katotohanan tungkol kay Propeta Muhammad at ng Kanyang kapahayagan na nasusulat para sa kanila sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) at humahadlang (sa sangkatauhan) tungo sa Landas ni Allah (Pagiging Tunay na Isa ni Allah), katiyakang sila ay napaligaw nang malayo

Choose other languages: