Surah An-Nisa Ayahs #154 Translated in Filipino
إِنَّ الَّذِينَ يَكْفُرُونَ بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ وَيُرِيدُونَ أَنْ يُفَرِّقُوا بَيْنَ اللَّهِ وَرُسُلِهِ وَيَقُولُونَ نُؤْمِنُ بِبَعْضٍ وَنَكْفُرُ بِبَعْضٍ وَيُرِيدُونَ أَنْ يَتَّخِذُوا بَيْنَ ذَٰلِكَ سَبِيلًا
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita at nagnanais na gumawa ng pagtatangi-tangi sa pagitan ni Allah at ng Kanyang mga Tagapagbalita (sa pamamagitan ng pananalig kay Allah at hindi paniniwala sa Kanyang mga Tagapagbalita) na nagsasabi, “Kami ay nananampalataya sa iba subalit (kami rin) ay nagtatakwil sa iba,” at nagnanais na tumahak sa gitnang daan
أُولَٰئِكَ هُمُ الْكَافِرُونَ حَقًّا ۚ وَأَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا
Sa katotohanan, sila ay mga hindi nananampalataya; at Aming inihanda sa mga hindi sumasampalataya ang kaaba-abang kaparusahan
وَالَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ وَلَمْ يُفَرِّقُوا بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ أُولَٰئِكَ سَوْفَ يُؤْتِيهِمْ أُجُورَهُمْ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا
At sa mga sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita at hindi nagbibigay ng pagtatangi- tangi sa pagitan ng sinuman sa mga Tagapagbalita, Aming ipagkakaloob sa kanila ang kanilang gantimpala, at si Allah ay Lalagi nang Nagpapatawad nang Paulit-ulit, ang Pinakamaawain
يَسْأَلُكَ أَهْلُ الْكِتَابِ أَنْ تُنَزِّلَ عَلَيْهِمْ كِتَابًا مِنَ السَّمَاءِ ۚ فَقَدْ سَأَلُوا مُوسَىٰ أَكْبَرَ مِنْ ذَٰلِكَ فَقَالُوا أَرِنَا اللَّهَ جَهْرَةً فَأَخَذَتْهُمُ الصَّاعِقَةُ بِظُلْمِهِمْ ۚ ثُمَّ اتَّخَذُوا الْعِجْلَ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ فَعَفَوْنَا عَنْ ذَٰلِكَ ۚ وَآتَيْنَا مُوسَىٰ سُلْطَانًا مُبِينًا
Ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo) ay humiling sa iyo na mangyaring manaog sa kanila ang isang aklat mula sa langit. Katotohanang sila ay humiling kay Moises ng higit pang dakila dito, nang kanilang sabihin: “Ipakita mo sa amin si Allah sa harap ng maraming tao,” datapuwa’t sila ay sinakmal ng dagundong ng kulog at kidlat dahil sa kanilang kabuktutan. (Ngunit) di naglaon, ay kanilang sinamba ang batang baka (bulo) kahit na pagkaraang dumatal ang maliwanag na mga katibayan at tanda sa kanila. (Gayunpaman) ay Aming pinatawad sila; at binigyan (Namin) si Moises ng maliwanag na katibayan ng kapamahalaan
وَرَفَعْنَا فَوْقَهُمُ الطُّورَ بِمِيثَاقِهِمْ وَقُلْنَا لَهُمُ ادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا وَقُلْنَا لَهُمْ لَا تَعْدُوا فِي السَّبْتِ وَأَخَذْنَا مِنْهُمْ مِيثَاقًا غَلِيظًا
At para sa kanilang Kasunduan ay Aming itinaas sa ibabaw nila ang Bundok (ng Sinai) at (sa ibang pangyayari) ay Aming winika: “Magsipasok kayo sa tarangkahan na nagpapatirapa (o yumuyukod) ng may kapakumbabaan”; at (muli) sila ay Aming pinag-utusan: “Huwag kayong lumabag (sa paggawa ng makamundong bagay) kung (araw) ng Sabado.” At nakipagkasundo Kami sa kanila ng isang matibay na Kasunduan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
