Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #80 Translated in Filipino

إِنَّ هَٰذَا الْقُرْآنَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَكْثَرَ الَّذِي هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Katotohanan, ang Qur’an na ito ay nagpapahayag sa Angkan ng Israel ng tungkol sa karamihan ng kanilang pinagkakahidwaan
وَإِنَّهُ لَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِلْمُؤْمِنِينَ
At katotohanang ito (ang Qur’an) ay isang Patnubay at isang Habag sa mga sumasampalataya
إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِي بَيْنَهُمْ بِحُكْمِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْعَلِيمُ
Katotohanan, ang iyong Panginoon ay magpapasya sa pagitan nila (sa iba’t ibang mga sekta) sa pamamagitan ng Kanyang Kahatulan, at Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan
فَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۖ إِنَّكَ عَلَى الْحَقِّ الْمُبِينِ
Kaya’t inyong ilagay ang inyong pagtitiwala kay Allah; katiyakang ikaw (o Muhammad) ay nasa (Landas) ng lantad na Katotohanan
إِنَّكَ لَا تُسْمِعُ الْمَوْتَىٰ وَلَا تُسْمِعُ الصُّمَّ الدُّعَاءَ إِذَا وَلَّوْا مُدْبِرِينَ
Katotohanang hindi mo magagawa na ang patay ay makarinig (alalaong baga, ang mabigyang kapakinabangan sila, at gayundin ang mga hindi sumasampalataya), at ang bingi upang makarinig ng tawag, kung sila ay tumatalilis na nakatalikod

Choose other languages: