Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #79 Translated in Filipino

وَمَا مِنْ غَائِبَةٍ فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ
At walang anumang nalilingid sa kalangitan at kalupaan na hindi (nakatala) sa isang maliwanag na Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz)
إِنَّ هَٰذَا الْقُرْآنَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَكْثَرَ الَّذِي هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Katotohanan, ang Qur’an na ito ay nagpapahayag sa Angkan ng Israel ng tungkol sa karamihan ng kanilang pinagkakahidwaan
وَإِنَّهُ لَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِلْمُؤْمِنِينَ
At katotohanang ito (ang Qur’an) ay isang Patnubay at isang Habag sa mga sumasampalataya
إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِي بَيْنَهُمْ بِحُكْمِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْعَلِيمُ
Katotohanan, ang iyong Panginoon ay magpapasya sa pagitan nila (sa iba’t ibang mga sekta) sa pamamagitan ng Kanyang Kahatulan, at Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan
فَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۖ إِنَّكَ عَلَى الْحَقِّ الْمُبِينِ
Kaya’t inyong ilagay ang inyong pagtitiwala kay Allah; katiyakang ikaw (o Muhammad) ay nasa (Landas) ng lantad na Katotohanan

Choose other languages: