Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #66 Translated in Filipino

أَمَّنْ يُجِيبُ الْمُضْطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَيَكْشِفُ السُّوءَ وَيَجْعَلُكُمْ خُلَفَاءَ الْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ قَلِيلًا مَا تَذَكَّرُونَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na sumasaklolo sa mga nalalagay sa panganib, kung siya ay naninikluhod sa Kanya, at Siya na nag-aalis sa kasamaan, at gumawa sa inyo na mga tagapagmana ng kalupaan, sa maraming henerasyon ng mga salit-saling lahi. (Mayroong pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Kakarampot lamang ang inyong naaala-ala
أَمَّنْ يَهْدِيكُمْ فِي ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَمَنْ يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ تَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na namamatnubay sa inyo sa kadiliman ng kalupaan at karagatan, at nagpapadala ng hangin bilang tagapagdala ng masayang balita, na umiihip sa harap ng Kanyang Habag (ang Ulan)? (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Higit Siyang Kataas-taasan sa lahat ng kanilang iniaakibat na mga katambal (sa Kanya)
أَمَّنْ يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ وَمَنْ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong tinatawag na mga diyos), [Siya] na nagpasimula ng paglikha, at matapos ito, ito ay Kanyang uulitin, at (Siya) ang nagkakaloob sa inyo (ng lahat ng bagay) mula sa kalangitan at kalupaan? (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Ipagbadya: “dalhin ninyo ang inyong mga katibayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
قُلْ لَا يَعْلَمُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ الْغَيْبَ إِلَّا اللَّهُ ۚ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ
Ipagbadya: “walang sinuman sa mga kalangitan at kalupaan ang nakakatalastas ng Ghaib (nalilingid) maliban kay Allah, at hindi rin nila mapaghihinuha kung kailan sila ibabangong muli (sa pagkabuhay).”
بَلِ ادَّارَكَ عِلْمُهُمْ فِي الْآخِرَةِ ۚ بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ مِنْهَا ۖ بَلْ هُمْ مِنْهَا عَمُونَ
Hindi, sila ay walang kaalaman sa Kabilang Buhay. Hindi, sila ay nag-aalinlangan tungkol dito. Hindi, sila ay bulag tungkol dito

Choose other languages: