Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #24 Translated in Filipino

وَتَفَقَّدَ الطَّيْرَ فَقَالَ مَا لِيَ لَا أَرَى الْهُدْهُدَ أَمْ كَانَ مِنَ الْغَائِبِينَ
Kanyang sinuri ang mga ibon at nagsabi: “Ano ang nangyayari sa inyo at hindi ko nakita ang Hoopoe? O siya ba ay isa mga lumiban? (Ang Hoopoe ay isa sa mga ibon na magaan at mabanayad na may lantad na iba’t ibang kulay ng pakpak [balahibo], at may dilaw na hibla sa kanyang ulo, isang dahilan upang siya ay tawaging ibon na may dugong bughaw
لَأُعَذِّبَنَّهُ عَذَابًا شَدِيدًا أَوْ لَأَذْبَحَنَّهُ أَوْ لَيَأْتِيَنِّي بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ
Katotohanang siya ay aking parurusahan ng matinding kaparusahan, o siya ay (aking) kakatayin, malibang siya ay magdala ng maliwanag na dahilan (katwiran).”
فَمَكَثَ غَيْرَ بَعِيدٍ فَقَالَ أَحَطْتُ بِمَا لَمْ تُحِطْ بِهِ وَجِئْتُكَ مِنْ سَبَإٍ بِنَبَإٍ يَقِينٍ
Datapuwa’t ang Hoopoe ay hindi nanatili nang matagal, siya (ay lumitaw) at nagsabi: “Aking naunawaan (ang karunungan ng isang bagay) na hindi mo naunawaan at ako ay pumarito sa iyo mula sa Saba (Sheba) na may tunay na balita
إِنِّي وَجَدْتُ امْرَأَةً تَمْلِكُهُمْ وَأُوتِيَتْ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ وَلَهَا عَرْشٌ عَظِيمٌ
Natagpuan ko ang isang babae na namamahala sa kanila, at siya ay pinagkalooban ng lahat ng bagay na maaaring angkinin ng sinumang namamahala ng kalupaan, at siya ay mayroong dakilang luklukan
وَجَدْتُهَا وَقَوْمَهَا يَسْجُدُونَ لِلشَّمْسِ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ فَصَدَّهُمْ عَنِ السَّبِيلِ فَهُمْ لَا يَهْتَدُونَ
Aking natagpuan siya at ang kanyang pamayanan na sumasamba sa araw, at hindi kay Allah, at ginawa ni Satanas ang kanilang gawa na kasiya-siya sa kanila, at humadlang sa kanila tungo sa Landas (ni Allah), kaya’t sila ay walang patnubay

Choose other languages: